^

PSN Opinyon

Central Mindanao, from war zone to economic zone sa BBM admin!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

Noong dekada 70’s, itong mga probinsiya ng Maguin­danao at Cotabato ay tinatawag na “war zone” bunga sa mainit na bakbakan ng puwersa ng gobyerno at mga Moro separatists. Tandang-tanda pa ng mga kosa ko na libong Pinoy ang nagbuwis ng buhay  dito dahil walang puknat ang ambusan at sagupaan. Maliwanag naman na walang nanalo dito dahil kapwa Pinoy lang ang nagpapatayan. Nabawasan lang ang ambushcades at patayan nang mag­karoon ng peace talks ang gobyerno ng Pinas at ang MNLF at MILF.

Subalit sa liderato ni President Bongbong Marcos, naiiba na ang sitwasyon sa Maguindanao at Cotabato provinces. Magiging sentro na sila ng rice production kaya’t nasabi ng mga kosa ko na ang Maguindanao at Cotabato ay magi­ging economic zones. Mismooooo! Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan!

Kaya nasabing economic zones na ang Maguindanao at Cotabato dahil tumaas ang rice production ng central Mindanao nitong nakaraang buwan. ‘Yan ay kahit ang Pinas ay nilalampaso pa ng El Niño. Sa totoo lang, fully irrigated na ang mga dating nakabuyangyang na lupain sa central Mindanao dahil sa Mlitubog-Maridagao irrigation project na sinimulan noong patapos na ang termino ni ex-Pres. Ferdinand Marcos.

Noong Lunes, lumipad si BBM sa lugar para i-inaugu­rate ang 3rd phase ng irrigation project, na nangangahulugang may malaking bahagi ng Mindanao ang dadaluyan ng patubig para makapagtanim ng palay at iba pa. Eh di wow! Hehehe Kaya’t wala ng makakapigil para magi­ging economic zone ang Maguindanao at Cotabato nang sa gayon ay umunlad ang buhay ng ating mga Muslim brothers. Mismooooo!

Nalubog sa kahirapan ang mga Pinoy sa central Mindanao dahil sa giyera noong 70’s. Nagsimula lang na gumanda ang buhay ng mga Pinoy doon nang itayo ang irrigation project sa Carmen town. Natandaan pa ng Dipuga na dinalaw naming ang irrigation project na ito kasama si yumaong AFP chief Gen. Arturo Enrile.. Hindi naman nabigo si FEM sa vision n’ya na paunlarin ang kabuhayan ng mga Pinoy sa central Mindanao kasi nga panaka-naka na ang labanan sa lugar dahil abala ang lahat sa agrikultura para umangat ang kanilang buhay. Eh di wow! Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Sinimulan ang Stage 1 ng MMIP noong 1989 kung saan umaabot sa 5,562 ektarya na farmlands ang napatubigan sa Maridagao, samantalang 1,611 ektarya naman sa upper Malitubog service area. Ang Stage 2 naman ay ikinasa mula 2011 hanggang 2015 at ang croplands sa Pangalungan at Datu Montawi sa Maguidanao del Sur at Pikit at Aleosan sa Cotabato ang nakinabang. Ang 3rd phase na isinusulong ni BBM ay dadaan sa 9,528 ektraya kung saan may 3,100 beneficiairies. Dipugaaaaa! Goodbye na lang sa war zone tag sa central Mindanao. Ano pa nga ba?

Malakihang pagbaha at right of way ang problemang hinaharap nang ipa-full implementation ni BBM ang MMIP nitong 2023, kaya’t 8,020 ektraya lang ang partially irrigated. Subalit naglatag na ng farm to market service roads si BBM sa area para mapaganda ang delivery ng produkton ng mga farmers sa mga pamilihan. Abangan!

vuukle comment

MILF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with