^

PSN Opinyon

PUJ modernization ‘wag haluan ng anomalya

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

Sa papasok ng taong 2024, todo-larga na ang moderni­sasyon ng mga tradisyunal na jeepney na nakasanayan na nating mga Pinoy mula pa nang matapos ng ikalawang digmaan pandaigdig.

Komo nakaugat na  nang malalim sa kulturang Pilipino, mayroon na itong sentimental value kaya marami ang tutol sa phaseout ng mga lumang jeepney. Dapat naman itong mangyari dahil kahit pa irekondisyon ang mga lumang sasakyan, ang usok mula sa mga ito ay tiyak nagdudulot ng air pollution.

Bukod diyan, dapat tayong sumakay sa pagbabago ng panahon upang huwag tayong mapag-iwanan ng pagsulong ng teknolohiya. Ituloy ang jeepney modernization basta’t huwag haluan ng anomalya na ipinaparatang ng mga nasa transportation sector sa mga opisyal ng Land Transportation Office (LTO).

Tiniyak naman ng Department of Transportation na hindi totoo ang mga alegasyon na ibebenta ang mga prangkisa at ruta sa mga modernong jeepney kundi ibibigay ng libre.

Iyan mismo ang ikinakaso kay LTFRB chief Teofilo Gadiz na wala umanong katotohanan. Kaya ani DOTr Sec. Jaime Bautista, green and go na ang programa. Bubuo na ang transport sector ng mga cooperatives na mangangasiwa sa mga modernong jeepney.

Kung tutuusin, magandang konsepto ang kooperatiba o korporasyon kaysa indibidwal na operators ang nagpa­palakad ng mga pampublikong sasakyan.

Inuulit ko, okay na okay ang programa basta’t walang halong katiwalian.

vuukle comment

JEEPNEY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with