^

PSN Opinyon

Pagluluha ng mga mata

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

ANG luha ay naglilinis at tumutulong na tanggalin ang mga maliliit na dumi sa mga mata. Kadalasang alikabok ang pumapasok sa mga mata.

Narito ang ilang dahilan kung bakit nagluluha ang mga mata:

1. Sa pag-edad ay nagbabago ang balat sa talukap sa mata. Dahil dito, hindi na lumalapat maigi ang eyelids kaya nag-iipon ang luha sa sulok ng mata.

2. Dahil din sa pag-edad, ang tear duct ay nababarahan at pinipigilan ang luha na dumaloy sa iyong mga mata.

3. Ang panunuyo at iritasyon sa kapaligiran mula sa dumi at hangin.

4. Kung may pink eyes o sore eyes mula sa virus o bacteria.

5. Dahil sa allergy, pwede rin magluha ang mata.

Mga gagawin para malunasan ang pagluluha ng mata:

1. Maglagay ng warm compress habang nakapikit ang talukap ng iyong mata tatlong beses kada araw sa loob ng 10 minuto.

2. Huwag kusutin ang mga mata.

3. Alisin ang mascara at iba pang make-up sa mata. Ang ganitong produktong ay maaaring kontaminado na ng bacteria.

4. Sa may contact lens, sundin ang tamang direksyon sa pagsuot at paglinis nito.

5. Kumunsulta sa doktor kung tuluy-tuloy ang pagluluha, pananakit at panlalabo ng mga mata.

vuukle comment

DOC WILLIE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with