^

PSN Opinyon

Edukasyon sa BARMM napabuti

DURIAN SHAKE - Edith R. Regalado - Pilipino Star Ngayon

TALAGANG naging maayos ang pamamahala sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) kasama na ang sistema sa edukasyon sa hangad na mas mapa-enhance ang pag-aaral ng mga kabataan sa rehiyon.

Ang BARMM ay binubuo ng limang lalawigan. Ito ay ang Lanao del Sur, Maguindanao, Sulu, Tawi-Tawi at Basilan habang ang regional center nito ay nasa Cotabato City.

Hinihikayat ng Ministry of Basic, Higher and Technical Education (MBHTE) na pinamumunuan ni Minister Mohagher M. Iqbal ang educational institutions and stakeholders upang mai-promote ang “collaboration in fostering a culture of respect and ensuring a safe learning environment” sa rehiyon.

Ayon kay Iqbal napakahalaga ang pagkakaroon ng ligtas at secure na school environment para sa mga mag-aaral ng Bangsamoro.

“Sa pagbubukas ng klase ngayong taon, nais ko pong bigyang-diin ang kahalagahan ng pagkakaroon ng ligtas at maayos na kapaligiran sa mga paaralan. Layunin ng MBHTE na gawing isang mapagkalingang tahanan ang ating mga paaralan, kung saan ang bawat mag-aaral ay makakaranas ng pagkatuto na malaya sa takot at ­pangamba,” sinabi ni Iqbal.

Ayon pa kay Iqbal, napakahalaga na maging bukas tayo sa mga pagbabago at pagpapaunlad upang ma­panatiling kaabang-abang at makabuluhan ang bawat araw sa paaralan. Nawa’y magkaroon tayo ng malasakit sa isa’t isa, magtulungan, at magtaguyod ng kultura ng respeto at pang-unawa.”

Maliban sa pag-promote ng  safety ng education stakeholders  sa muling pagbukas ng klase, ang MBHTE ay namamahala rin ng distribusyon ng teachers’ at ­learners’ kits.

Ang hakbang na ito ng MBHTE ay malugod na ikinagagalak ng mga mag-aaral sa BARMM.

vuukle comment

EDUCATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with