^

PSN Opinyon

Kapalit

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

TAMANG-TAMA ang pagdating ng tropical depression Dodong kung kailan nababahala ang lahat sa level ng Angat Dam na nagsusuplay ng tubig sa Metro Manila. Ayon sa PAGASA, medyo tumaas ang level. Pero bago tayo magsaya, sinasabi ng mga opisyal na aabutin ng 4-5 bagyo para maibalik ang normal na lebel ng tubig. Umaasa ako na ang kasalukuyang low-pres­sure at habagat ay magpapatuloy para punuin ang mga dam.

Ngunit ang pagdating ng tuluy-tuloy na pag-ulan ay may kapalit. Lumitaw ang mga karaniwang lubak. Nagdaan ako sa EDSA at napansin ko ang ilang bahagi ng mga kalsada na may tagpi-tagping aspalto ay tila naanod­, na lumikha ng lubak. Iniisip ko kung bakit ma­daling magkalubak ang aspalto pagkatapos ng ulan. Ang tanging paliwanag, mababa ang kalidad ng aspalto.

May mga kalsadang aspalto na matibay kahit tuluy-tuloy ang pag-ulan, lalo na ang mga inilatag ng makina at hindi binuhusan lamang. Ang mga kalsadang aspalto ay mas makinis at hindi gaanong malupit sa gulong. Habang ang mga sementadong kalsada ay mas matibay, mas mahirap ilatag nang pantay-pantay. Kapag nagkabitak ang mga sementadong kalsada, kadalasang ginagamit ang aspalto para tagpian.

Ang malalalim na lubak sa EDSA ay nagdudulot ng panganib sa mga motorista at sanhi rin ng trapik. Mapi­pilitang iwasan ng motorista sa pamamagitan ng pag­lipat ng hanay. Dito nagaganap ang aksidente. Maaaring­ hindi makita kaagad ng mga motorsiklo ang lubak. Dapat magsigawa ng reblocking ang DPWH sa mga bahagi ng sementadong kalsada na may tagping aspalto habang maganda ang panahon. Namamangha ako kung gaano kakinis ang mga kalsada ng ibang bansa. Bihira kang makaramdam ng alon habang nagbibiyahe. Baka maka­hingi ang gobyerno ng payo kung paano nagagawa ito.

Halos hindi na makayanan ng mga kalsada sa Metro Manila ang dami ng sasakyan ngayon. Dahilan kung bakit dapat maging matibay, hindi tinatablan ng patuloy na pag-ulan, at tumagal nang mas matagal kaysa sa nakasanayan natin. Dapat gawin ng mga lokal na pamahalaan ang kanilang bahagi sa pagpapanatili ng mga kalsada, lalo na sa mga nakararanas nang maraming­ sasakyang dumadaan. Kung papasok na tayo sa tag-ulan at bagyo, lalong kailangang ayusin ang mga kalsada.

vuukle comment

PAGASA

WATER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with