^

PSN Opinyon

Matagumpay na Pride PH Festival

QC ASENSO - Joy Belmonte - Pilipino Star Ngayon

KUNG titingnan ang bilang ng dumalo, masasabi kong higit pa sa matagumpay ang Pride PH Festival, na pinangunahan ng Pride PH katuwang ang lokal na pamahalaan, sa Quezon Memorial Circle bilang pagdiriwang ng Pride Month.

Noong nakaraang taon, nasa 25,000 miyembro ng LGBTQIA+ community at mga kaalyado ang dumalo sa pagdiriwang.

Pero nitong Sabado, pumalo sa 110,752 ang dumalo sa makulay at masayang Lovelaban festival, mahigit apat na doble sa bilang noong nakaraang taon.

Ang matinding suporta na ipinakita ng LGBTQIA+ community ay hindi lang pakikiisa sa pagdiriwang, kundi pagsali rin sa protesta at malakas na panawagan na tuldukan na ang iba’t ibang uri ng diskriminasyon at pang-aabuso sa kanilang hanay.

Bukod pa rito, binigyang diin din ng aktibidad ang kahala­gahan ng pantay na trato sa lipunan anuman ang kasarian, at pagtiyak sa kaligtasan ng bawat isa sa gitna ng mga hamon at pagsubok.

Nagpapasalamat din ako sa ating partner na Pride PH sa matagumpay na event na ito.

At sa gitna ng pagpapakita ng puwersa, naging mas maka­buluhan ang festival dahil sa handog ng pamahalaang lung­sod sa ating LGBTQIA+ community. Bago ang parada, ini­lunsad natin ang “Right to Care Card”, na nagbibigay sa queer couples ng magdesisyon ukol sa mga bagay na may kinalaman sa kalusugan o pangangailangang medikal ng kanilang partner.

Magkakabisa ang “Right to Care Card” sa pamamagitan ng isang Special Power of Attorney (SPA), na magbibigay ng kapangyarihan sa mga cardholder na pumayag, tumanggi o i-withdraw ang consent sa anumang hakbang para sa kani­lang partner, kabilang ang pagpapagamot, procedures, tests, at mga reseta.

Nakatanggap kasi ako ng ulat na pinagbabawalan ang mga miyembro ng LGBTQIA+ community na magpasya kung na-admit sa intensive care unit ng mga ospital ang kanilang partner.

Una munang ipatutupad ang “Right to Care program” sa mga ospital na pinatatakbo ng siyudad, gaya ng Quezon City General Hospital, Novaliches District Hospital, at Rosario Maclang Bautista General Hospital.

Hindi magtatagal, lalawak din ang programang ito sa tulong ng partnership sa iba pang pampubliko at pribadong hospital sa Quezon City.

Walang humpay na isusulong ng ating adminstrasyon ang pagtuldok sa iba’t ibang uri ng abuso at diskriminasyon sa hanay ng LGBTQIA+ community.

vuukle comment

FESTIVAL

LGBTQIA+

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with