^

PSN Opinyon

Walang tsamba sa QC

QC ASENSO - Joy Belmonte - Pilipino Star Ngayon

MADUGO at masalimuot ang paglalatag ng pagbabago sa lokal na pamahalaan, lalo na kung ang lalabanan mo ay mga nakagawiang sistema na baluktot at mabagal.

Kaya nang ipursige natin ang good governance o tapat at maayos na paglilingkod sa lokal na pamahalaan, kabi­lang­ na ang digitalization para mawala ang red tape at kati­walian, kinailangan nating ipakita na seryoso tayo.

At ngayon, sa ikatlong sunod na taon ay nakatanggap ang siyudad ng “unqualified opinion” mula sa Commission on Audit (COA) para sa 2022 annual audit report kasunod ng mahigpit na pagbusisi ng ahensiya.

Ibig sabihin, hindi na tsamba ang nakuha nating clean opinion para sa taon 2020 at 2021.

Para sa kaalaman ng lahat, ang unqualified opinion ang pinakamataas na audit opinion na maaaring ibigay ng COA sa isang ahensiya ng gobyerno o local government unit bilang pagkilala na ang financial record nito ay maayos.

Mismong si COA-Quezon City Supervising Auditor Jo­seph Perez ang nagpaabot ng magandang balitang ito.

Ayon sa report ng independent auditor, naabot ng finan­cial statements ng lungsod ang tinatawag na “applicable financial reporting framework” kasunod ng mahigpit na pagbusisi ng COA.

Personal ko ring tinanggap ang COA annual report mula sa kanya, kasama sina City Administrator Michael Alimurung, Secretary to the Mayor RJ Belmonte at Office of the City Mayor (OCM) Chief of Staff Rowena Macatao.

Sa totoo lang, hindi namin makukuha ito, kasama ng iba pang mga naunang parangal na iginawad sa ating lungsod, kung hindi sa masisipag at tapat na mga tauhan ng ating siyudad, at ang buong tiwala ng QCitizens.

Maliban pa sa clean opinion ng COA, nais ko ring ibalita na natamo ng bi-monthly online talk show ng siyudad – ang “Usapang QC” – ang prestihiyosong Excellence Award sa inaugural Asia Pacific Broadcasting + Awards 2023 na ginanap sa Singapore kamakailan.

Sinimulan ng Public Affairs and Information Services o PAISD ang ”Usapang QC” bilang bahagi pa rin ng ating good governance.

Sa pamamagitan ng kapangyarihan ng social media, ipinapaalam ng Usapang QC sa QCitizens ang mga programa’t proyekto ng pamahalaang lungsod at iba pang mahalagang impormasyon mula sa iba’t ibang tanggapan sa ilalim ng QC Hall.

Gaya ng mga nauna nating award, magsisilbi ang mga bagong pagkilalang ito bilang inspirasyon para mapaganda at mapabilis pa ang paghahatid ng serbisyo sa ating QCitizens.

vuukle comment

COA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with