^

PSN Opinyon

Disgrasya sa mga resort

UNFILTERED - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

NGAYONG tag-araw dahil sa matinding init, siguradong marami ang magtatampisaw sa dagat at mga resort. Patuloy na nagpapaalala ang BITAG sa publiko. Bantayan ang inyong mga anak. Huwag aalisin ang inyong mga paningin sa kanila.

Pero bago pumunta sa mga resort, mas mabuting bisitahin muna ang lugar kung saan mag-a-outing ang pamilya. Tiyakin na ang pupuntahang resort ay mayroong mga signage o mga paskil bilang paalala para maiiwas sa anu­mang disgrasya. Alamin kung mayroon silang mga lifeguard na nagbabantay at nagmamasid sa lahat ng mga naglalaro o nagsu-swimming sa resort.

Kung pribado ang resort at mayroong entrance fee, alamin ninyo kung mayroon silang insurance para sa posibleng disgrasya sa loob ng establisimento. Hindi ‘yung kung kailan nangyari na ang aksidente saka lang kayo magiging alerto.

Tulad nang nangyari sa isang batang lalaki sa RL Resort and Leisure Park sa Porac, Pampanga. Na-fracture ang binti matapos tumalon sa pool. Ayon sa kanyang tatay­ at tiyuhin na nagsumbong sa #ipaBITAGmo, walang anumang precautionary signages ang resort at wala ring nagbabantay na lifeguard.

Sinubukan pa itong kontrahin at pabulaanan ng legal counsel ng RL Resort and Leisure Park pero hindi nakalusot.

In fairness naman sa nasabing resort, nagtawag sila ng medical team at sinamahan nila ang pamilya sa ospital. Pero ang nagbayad sa medical bills, ang pamilya ng batang nadisgrasya. At ang gusto raw ng resort, kalahati lang ng kabuuang ginastos ang kanilang ire-reimburse. Naloko na!

Ayon sa kabakas naming abogado sa pagbibigay-ser­bisyo publiko na si Atty. Melencio “Batas” Mauricio, pana­­nagutan ng mga may-ari ng mga hotel o resort at iba pang mga entertainment establishment na tugunan ang anumang pinsala o disgrasya ng mga kustomer kung mayroong kapabayaan o negligence ang may-ari.

Malinaw dito, may kapabayaan ang may-ari ng RL Resort and Leisure Park.  Sa bandang huli, pumayag din ang legal counsel ng RL Resort and Leisure Park na ang resort insurance na ang sasagot sa lahat ng ginastos sa ospital.  

Paglilinaw, hindi kami anti-business. Hindi rin namin layunin na ipahiya ang sinumang personahe o nagnenegosyo. Inilalantad lang namin ang mga semplang na pamamalakad at sistema ng kanilang mga establisimento.

vuukle comment

RESORT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with