^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Ligtas na campaign rallies, sundin sana

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Ligtas na campaign rallies, sundin sana

Mahigit isang buwan na lang at election na. Aba­lang-abala ang mga kandidato sa kanilang panga­­ngampanya. Kaliwa’t kanan ang campaign rallies at kahit kasuluk-sulukan ng bansa ay gustong maabot ng mga kandidato lalo na ang mga presidential aspi­rants. Wala nang tigil ang kanilang panunuyo sa mga tao para makasiguro ng panalo. Sa mga tumatakbo sa local position, nagrerenta pa sila ng mga banda o mga musikero para makaakit sa mga tao. May mga ati-atihan pang kasama ang ilang kandidato para mapansin ng publiko at magkumpol-kumpol.

Namumutiktik ang mga tao sa mga kampanyahan ngayon at ito ang labis na ikinatatakot ng health experts. Dahil sa pagdagsa ng mga tao sa campaign rallies­, posibleng magkahawahan ng COVID-19 at mag­­karoon na naman ng surge. Marami sa mga tao ang hindi nagsusuot ng face mask. Wala nang ngimi na animo’y wala na ang virus kung magkumpulan.

Nagbabala ang Department of Health (DOH) na ang pagdagsa ng mga tao sa kampanya ay maaaring maging dahilan ng pagdami ng kaso. Ganito rin ang paniwala ng OCTA Research Group. Posibleng magkaroon muli ng surge ng COVID-19 kung hindi maipa­susunod sa mga campaign rally ang health protocol. Sabi ng OCTA, malalaman sa Abril at Mayo kung nag­kakaroon ng pagdami ng kaso.

Sabi ni Infectious disease experts Dr. Rontgene Solante, bagama’t ang Pilipinas ay may magandang immunity sa panahong ito, hindi garantiya na tatagal. Ayon kay Solante, tatlo hanggang apat na buwan lamang ang itinatagal ng bakuna. At nangangamba siya na sa rami ng mga taong dumadalo sa kampanya at hindi na nasusunod ang health protocols, posib­leng magkaroon ng surge. Ayon kay Solante, maaring magkaroon nang pagdami ng kaso makalipas ang eleksiyon.

Ang ganitong senaryo ng pangangampanya ay nangyari na sa India noong Mayo 2021 kung saan dumami ang kaso ng Delta variant at 250,000 ang namatay. Sa rami ng namatay, sa open space na lamang sinu­sunog ang mga bangkay. Ang iba, itinatapon sa Ganges River.

Posibleng ganito ang mangyari sa Pilipinas kung magpapatuloy ang pagdagsa ng tao sa campaign rally. Isaisip sana ng mga kandidato at supporters ang ligtas na pangangampanya para makaiwas sa muling pagdami ng kaso. Magkaroon na ng aral sa nakaraan kung saan marami ang nagkasakit at namatay.

vuukle comment

KAMPANYA

OCTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with