^

PSN Opinyon

Lunas sa ulcer  

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

ANG gastritis o ulcer ay sakit kung saan nagagasgas ang laman o lining ng sikmura dahil sa sobrang acidic o laging nalilipasan sa oras ng pagkain.

Ito ang aking mga payo:

1. Umiwas sa maasim at maanghang na pagkain,

2. Kumain ng pakonti-konti pero madalas sa isang araw,

3, Kumain ng saging at tinapay, at

4. Lumagok ng kaunting tubig bawat 20 minuto para mahugasan ang acid sa tiyan.

5. Umiwas sa alak at sigarilyo. Ang alcohol ay nakabubutas ng tiyan lalo na kung iinom nang walang laman ang tiyan. Ang sigarilyo naman ay nakasisira din ng baga at tiyan.

6. Limitahan ang pag-inom ng pain relievers. Ang mga gamot sa kirot tulad ng Mefenamic acid ay dapat inumin lamang pagkatapos kumain. At huwag ninyo ito araw-arawin dahil masama din ito sa katagalan.

7. Ang Aspirin ay maaari din magdulot ng ulcer.

Inumin ang aspirin pagkatapos kumain. Kapag sinisikmura pa rin, ihinto ang aspirin at magpa-check sa doktor.

8. Tantsahin ang pag-inom ng gatas.

Ayon sa mga espesyalista, ang gatas ay puwedeng magpadami ng acid sa sikmura. Ang iba naman ay nagtatae sa gatas. Mas maigi pa ang yoghurt.

9. Magluwag ng sinturon. Ang masikip na pantalon at sinturon ay maaaring magpataas ng pressure sa tiyan. Dahil dito, mahihirapan bumaba ang kinain natin.

10. Pagkakain ay huwag agad umupo o humiga. Maglalakad muna para matunawan.

11. Kumunsulta sa doktor kapag may dugo ang dumi o matindi ang sakit ng tiyan.

vuukle comment

ULCER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with