^

PSN Opinyon

Taal eruption maganda bang pangitain?

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Noong Enero 12, 2020, sumabog ang Taal Volcano. Wala pang dalawang buwan ang lumipas, idineklara ng World Health Organization (WHO) ang isang global pandemic dahil sa paglaganap ng COVID-19. 

Ngayon, muling sumabog ang bulkan. Ito kaya ay pahi­makas na namamaalam na ang mapaminsalang karamdaman na sa loob nang mahigit isang taon ay naminsala sa buong daigdig? Sana, sana nga.

Sa ating bansa, bukod sa mga tinamaan ng sakit at mga namatay bunga nito, milyun-milyong kababayan natin ang nawalan ng hanapbuhay. Maraming establisimiento ang nagsara o naglimita ng operasyon upang mabawasan kundi man mapigilang ganap ang pagkalat ng sakit.

Napakalaking dagok nito sa ating pambansang eko­nomiya. May mga business establishment na tuluyan nang nagsara at tumaas ang bilang ng unemployment. Dahil pa rin sa pandemya, marami sa mga kababayan nating nagtatrabaho sa ibang bansa ang nawalan din ng hanap­buhay. Maging ang pag-aaral ng mga kabataan ay natigil dahil sa pandemya.

Kahit salat sa pondo ang pamahalaan, napilitan itong magkaloob ng ayudang pinansyal sa mga taong na­apek­tuhan ang kabuhayan. Gumulo ang kalagayan ng pulitika sa bansa partikular sa usaping may kinalaman sa paggamit ng salaping inutang para matugunan ang krisis.

Natapat pa naman ang krisis sa nalalapit na pambansa at pampanguluhang halalan kaya ang usapin ay ginagamit para magtamo ng pogi points ang mga puli­tikong nag-aambisyong kumandidato sa matataas na puwesto.

Patuloy naman ang pagbuti ng sitwasyon ng bansa sa pandemya bagamat may mga lugar pa ring sinasabing mataas ang bilang ng karamdaman. Sana nga, ang pagsabog ng Taal ay maging masayang pahimakas na ang sakit na COVID ay malapit nang magwakas.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with