^

PSN Opinyon

Utot nang utot: Mahangin ang tiyan

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Karamihan sa hangin sa ating tiyan (flatus) ay mula sa malaking bituka (colon).

Ang utot ay nabubuo dahil sa fermentation ng hindi natunaw na pagkain, gaya ng fiber ng gulay.

Ang utot ay nabubuo kapag ang iyong digestive system ay hindi pa lubusang natutunaw ang pagkain.

Ang iba pang pinagmumulan ng utot ay ang pagbabago ng intestinal bacteria dahil sa gamot, paglunok ng hangin, at pag-titibi (constipation).

Mga payo para mabawasan ang sobrang hangin sa tiyan:

1. Bawasan ang mga pagkaing nagpapautot sa iyo gaya ng beans, peas, pasas at prunes.

2. Mainam kung babawasan din ang pagkain ng mga gulay gaya ng repolyo, sibuyas, broccoli at cauliflower.

3. Limitahan din ang pagkain ng bran cereals at muffins.

4. Hindi naman ibig sabihin nito ay tanggalin lahat ang mga nabanggit sa itaas sa iyong mga kakainin. ‘Yun lamang sobrang nakasasama sa iyo ang bawasang kainin.

5. Itigil ang pag-inom ng soft drinks.

6. Pansamantalang itigil muna ang mga pagkaing mataas sa high fiber. Ibalik na lang ito pakonti-konti pag­lipas ng ilang linggo.

7. Umiwas sa mamantikang pagkain. Mabagal ang pag­tunaw ng mantika at taba.

8. Kumain nang mabagal. Ang pagkain ng mabilis ay nakasasama sa pagtunaw o digestion natin.

9. Ugaliing mag-ehersisyo.

10. May pakinabang ang paglalakad-lakad sandali para bumaba ang iyong kinain.

vuukle comment

BITUKA

TIYAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with