^

PSN Opinyon

Huwag pigilin ang pag-ihi

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

ALAM n’yo bang ang pantog ay maaaring mag-ipon ng hanggang dalawang tasang ihi. Ngunit hindi ibig sabihin na dapat mong hintayin itong mapuno bago ka magtu­ngo sa banyo para umihi.

Ayon sa mga eksperto, mas makabubuti na umihi sa sandaling makaramdam ng pag-ihi.

Kung ang pag-ihi ay pipigilin o ipagpapaliban, narito ang mga sakit na posibleng makuha:

1. Makararamdam ng sakit sa puson o pelvic pain o masakit na pantog sa tuwing pipigilan ang pag-ihi. Minsan­ parang puputok na ang pantog o ito ay lalabas na.

2. Nagkakaroon ng hindi mapigilang paglabas ng ihi o incontinence kung madalas na pinipigilan ang pag-ihi dahil posibleng nagkaroon ng pinsala sa pelvic floor muscles, kasi na-overstretched o nabanat ang pantog. Kung madalas mababanat at luluwag ang masel ng pantog, hindi na kayang pigilan ang pagtulo ng ihi kaya wala kang magagawa kung hindi magsuot na lamang ng diaper o lampin.

3. Mawawalan ng kakayahan o mahirap palabasin ang ihi kung madalas na pipigilan ang pag-ihi kahit na sa pakiramdam mo ay puno na ang iyong pantog. Maaari itong mangyari kung ang mga kalamnan ng pantog ay napinsala. Sa mga malubhang kaso, maaaring­ kaila­nganin nang gumamit ng catheter para lamang maalisan ng laman ang iyong pantog.

4. Impeksiyon sa urinary tract (UTI). Payo sa kababaihan na ang tamang pagpupunas pagkatapos umihi ay simula sa puwitan papunta sa harapan para hindi magkaimpeksiyon. Kapag matagal naiipon ang ihi sa pantog, maaaring dumami o mag-multiply ang bacteria.

5. Ang pagkakaroon ng kidney stone ay nangyayari kung ang ihi ay: nagtatagal sa pantog, naglalaman ng mga mineral at kulang sa iniinom na tubig.

vuukle comment

PAG-IHI

PELVIC PAIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with