^

PSN Opinyon

Aktibong pakikilahok ng mga LGUs sa pag-angat ng literacy isinusulong

WIN SA EDUKASYON - Sen. Win Gatchalian - Pilipino Star Ngayon

Kahapon, Setyembre 8, ipinagdiwang natin ang National Literacy Day sa bansa. Kasabay nito, ipinagdiriwang din sa buong mundo ang International Literacy Day upang bigyang diin ang kahalagahan ng pagkakaroon ng literacy para sa mga indibidwal, komunidad, at sa kabuuan ng ating lipunan.

Kung babalikan natin ang resulta ng 2024 Functional Lite­racy, Education, and Mass Media Survey (FLEMMS), luma­labas na sa sampung Pilipino, siyam ang itinuturing na may basic literacy. Ibig sabihin, may kakayahan silang bumasa at sumulat ng simpleng mensahe sa kahit anong wika o dayalekto nang may pang-unawa. May kakayahan din silang magsagawa ng mga simpleng mathematical operations.

Kung susukatin naman natin ang functional literacy, luma­labas na pito lamang sa sampung Pilipino ang may taglay nito. Ang functional literacy ay ang kakayahang bumasa, sumulat, mag-compute, umunawa, at makita ang koneksyon ng dalawa o higit pang piraso ng impormasyon.

Ngunit may mga hamon pa rin tayong hinaharap pagda­ting sa pagkamit ng literacy. Batay din sa resulta ng FLEMMS, lumalabas na 5.5 milyong mga Pilipino ang natapos sa high school nang hindi nagiging functionally literate. Nakakabahala ito, hindi lamang dahil binibigyang diin nito ang krisis sa edukasyon ng ating bansa. Kasabay nito, nakikita natin kung gaano karami sa ating mga kababayan ang humaharap sa mga hadlang sa pakikilahok sa lipunan, pati na rin sa mga oportunidad tungo sa mas magandang kinabukasan.

Para sa inyong lingkod, mahalaga ang papel ng ating mga komunidad at mga lokal na pamahalaan upang iangat ang literacy ng ating mga kababayan. Kaya naman inihain ng inyong lingkod ang National Literacy Council Act (Senate Bill No.628) upang paigtingin ang pakikilahok ng mga local government units sa pag-angat ng literacy.

Patuloy nating susugpuin ang krisis sa edukasyon upang mapatatag ang pundasyon, kaalaman, at kakayahan ng ating mga mag-aaral.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with