^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Panawagan sa DSWD: Daming batang rugby!

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Panawagan sa DSWD:  Daming batang rugby!

KARANIWAN nang makikita ngayon ang mga batang palabuy-laboy sa kalye na nagso-solvent o nagra-rugby. Makikita silang nakikipagpa­tintero sa mga sasakyan habang hawak ang plastic­ na supot na may lamang rugby.

Noong nakaraang linggo, nag-viral sa social media ang video ng dalawang batang nagra-rugby habang nasa bubong ng isang tumatakbong taxi. Nagawang makasampa ng dalawang batang rugby sa bubong ng taxi at prenteng naupo roon. Lubhang delikado ang ginawa ng mga batang palaboy sapagkat maaari silang mahulog at masagasaan. Wala namang pulis o MMDA traffic enforcer na nakita sa lugar para sawayin ang mga batang rugby.

Hindi lamang sa EDSA gumagala ang mga batang rugby kundi maging sa Avenida Rizal, Recto­ Ave­nue, Taft, España Blvd., Macapagal Ave­nue, Commonwealth, North Avenue at iba pang lugar sa Metro Manila. Grupo-grupo sila kung gumala. Ka­dalasang natutulog sa island at maging sa silong ng LRT at MRT.

Ang mga grupo ng kabataang sumalakay sa mga pasahero ng jeepney sa Macapagal Blvd. ay pinaniniwalaang nagra-rugby. Nag-viral din sa social media ang insidente kung saan sinabunutan pa ng isang batang palaboy ang babaing pasahero. Umano’y nagalit ang mga palaboy na bata nang hindi ibigay ng pasahero ang bitbit nitong pagkain.

Isa pang insidente nang pagsalakay ng mga batang palaboy ay nangyari sa Taft Avenue maka­raang pagtulungan nilang gulpihin ang isang ma­tandang lalaki at inagaw ang bag nito.

Ngayong papalapit ang holiday season, inaasahang dadami pa ang mga batang kalye. Sapilitang aakyat sa mga dyipni at manghihingi at kapag hindi nabigyan, kung anu-ano ang gagawin. May pag­kakataong nandudura at nagsasaboy ng kung anong likido ang mga batang ito.

Panawagan sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), tutukan ang mga batang pa­laboy na parami nang parami sa kasalukuyan. Ma­ging alerto naman ang PNP para mapigil ang ginagawang hindi maganda ng mga batang palaboy.

vuukle comment

RUGBY BOYS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with