^

PSN Opinyon

Patuloy ang paglobo ng populasyon

KUNSABAGAY - Tony Katigbak - Pilipino Star Ngayon

NAKALULUNGKOT isipin dahil mahirap mapigilan ang paglobo ng populasyon. Ako’y nababahala sa sinabi ng Commision on Population na papalo ang mga Pinoy sa 107.19 million bago matapos ang 2018. Huwag nang magpaligoy-ligoy pa, paigtingin ang pagpapalaganap ng contraceptives sa buong bansa. Minsan nakakainis din ang ating mga kababayang mahihirap, hindi man lang limitahan ang paggawa ng bata. Hindi man lang iniisip ng mag-asawa kung kaya bang buhayin mabigyan ng tamang edukasyon ang kanilang mga anak.

Hindi tayo malaki at mayamang bansa. Hindi lahat ay puwede nating iasa sa gobyerno, oo nga’t maraming programa ang gobyerno upang matulungan ang bawat pamilya pero hindi pa rin yan dahilan upang magkaroon nang maraming anak ang mag-asawa. Ang hirap sa ilang Pinoy, kung sino pa ang mga naghihikahos sa buhay, sila pa ang sagana sa anak. Mabuti sana kung lahat ay nagagabayan at nabibigyan ng edukasyon.

Maraming kabataan ang napapariwara ang buhay, may mga naliligaw ng landas, hindi maayos ang pagkain­ kaya maraming namamalimos sa kalye. Diyan din nag-uumpisa ang pagiging addict ng isang bata, sa umpisa ginagawa munang runner ng droga at pag naging bihasa na sa gawain, pusher na. maraming ganyang pangyayari kasi kulang sila sa tamang gabay ng magulang.

Para sa akin Reproductive Health Bill ang solusyon sa problema ng ating populasyon. Kung wala sanang kumontra sa RH Bill na programa ng gobyerno, malamang napigilan ang paglago ng populasyon. Hindi n’yo ba napapansin kinukulang na tayo sa bigas. Siguro ang isa na ring dahilan ay ang dami na nating kumakain. Dapat makahanap ng solusyon ang gobyerno sa patuloy na paglobo ng populasyon dahil kung hindi magmumukhang basurahan ang ating bansa.

vuukle comment

COMMISION ON POPULATION

POPULASYON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with