^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Tulungan daw mahuli mga corrupt sa Customs

Pilipino Star Ngayon

DATI ang balikbayan box ang inaatupag ni Customs Commissioner Bert Lina. Bubuksan daw ang Balikbayan, pero umalma ang OFWs kaya natameme siya. Ngayon ay kakaiba naman ang hirit niya, tulungan daw ng publiko ang Customs sa kampanya nito laban sa smugglers at mga corrupt na opisyal at empleado nila. Gusto raw ng Customs na maging partner ang publiko sa pagsisiwalat ng mga ginagawang katiwalian ng mga taga-Customs. Kung mayroon daw alam ang publiko ng mga opisyal at tauhan ng Customs na mas­yadong marangya ang pamumuhay at sangkot sa mga illegal na gawain, ipagbigay alam daw sa kanila sa email address: [email protected]. O kaya’y sa Twitter: @CustomsPH o sa telepono bilang 02-7056052.

Ibig sabihin lamang nito, walang kakayahan ang Customs chief na wasakin ang nangyayaring smuggling at ang pananamantala ng mga corrupt na opisyal at empleado. Bakit kailangan pa niyang hingin ang tulong ng publiko gayung mas siya ang nakaaalam kung ang kanyang mga opis­yal at empleado ay gumagawa ng katiwalian. Kung hihingin niya ang tulong ng publiko, hindi siya karapat-dapat sa puwesto. Ipaubaya ito sa mas nakaaalam kung paano mapuputulan ng sungay ang smugglers at mga corrupt sa ahensiya.

Marami nang nakaaalam na maraming gutom na buwaya sa Customs. Kaya nga isa ang Customs sa mga ahensiyang talamak ang katiwalian. Hindi nagbabago ang pagtingin ng mamamayan na mara­ming opisyal at empleado rito ang may sakit na “Hepa-B” dahil naninilaw sila sa dami ng ginto na nakasabit sa leeg at namulaklak ang daliri sa suot na singsing. Hindi ba ito alam ng Customs chief?

Maski nga ang janitor at guard ay naaambunan din ng kasaganaang tinatamasa ng mga opisyal at empleado. Kaya nga marami ang nagnanais na makapagtrabaho sa Customs para magkasakit din ng “Hepa-B”.

Huwag nang hikayatin ang mamamayan na tumulong para makilala ang mga smuggler at mga “buwaya” sa Customs. Kaya itong lutasin ng Customs chief. Kung gugustuhin, kaya niyang durugin at lipulin ang mga smuggler at buwaya.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BAKIT

BALIKBAYAN

BUBUKSAN

CUSTOMS

CUSTOMS COMMISSIONER BERT LINA

HEPA-B

HUWAG

KAYA

MGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with