^

PSN Opinyon

Tatlo na sila

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

SUMUKO na si Sen. Juan Ponce Enrile. Siya ang pangatlo sa tatlong senador na unang kinasuhan ng pandarambong ng Sandiganbayan kaugnay sa pork barrel scam. Naunang sumuko sina Sen. Bong Revilla at Jinggoy Estrada. Medyo natagalan ang paglabas ng arrest warrant dahil sa mosyon ng kampo ni Enrile para makapagpiyansa, dahil na rin sa kanyang edad. Pero itinanggi ito ng korte.  

Pansamantalang nasa PNP hospital ang senador, dahil tumaas ang kanyang blood pressure. Binabantayan ng mga doktor ang kanyang kondisyon, bago magdesisyon kung saan siya ikukulong. Umaapela pa rin ang kanyang kampo na pagbigyan ang kanilang mga hiling, dahil nga sa edad at kondisyon ng senador. May altapresyon, at may mga oras na hindi raw nakakakita. Nasa korte na ang mga susunod na pasya, sa kabila ng panawagan mula sa ilang sektor na ilagay sa ordinaryong kulungan si Enrile. Marami pa rin ang hindi nakakalimot ng kanyang mga panahon bilang matinding kaalyado ni dating President Marcos.

Tatlo na silang nakakulong. Pati ang dating aide ni Enrile na si Atty. Jessica “Gigi” Reyes ay arestado at nakakulong na rin. Kaya inaasahan na aandar na sa wakas ang kaso ng pork barrel scam. Pero marami ang nagsasabi na taon, o dekada pa nga daw aabutin ang kasong ito, kahit kampante ang gobyerno na malakas ang kanilang kaso. May pangalawang batch pa nga ng mga senador, kongresista at mga aide ang sasampahan na rin ng kaso ng DOJ. Tila mauubos ang mga mambabatas sa lawak ng iskandalong ito. Kung matutuloy ang pagsuspindi nang lahat ng mambabatas na kakasuhan ng DOJ sa pork barrel scam, ewan ko na lang kung epektibo pa ang Kongreso.

Magsisimula na ang bakbakan, ika nga. Mga matitinding abogado ang magsasagupaan sa mga kasong ito. Sana lang ay magtagumpay ang katotohanan, at kung may mapatunayang nagkasala sa bayan, parusahan. Baka mabaon na lang kasi sa limot ito kapag tumagal at mawalang-gana na rin ang taumbayan, na inaasahan naman ng mga akusado, bukod sa iba pang inaasahan sa 2016.

BINABANTAYAN

BONG REVILLA

ENRILE

GIGI

JESSICA

JINGGOY ESTRADA

JUAN PONCE ENRILE

PERO

PRESIDENT MARCOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with