^

PSN Opinyon

VIP

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

BINIGYAN nang matinding babala ng DOJ ang mga doktor ng New Bilibid Prisons (NBP) matapos ang kuwestiyonableng pagpapadala sa ilang VIP na bilanggo sa mamahaling pribadong ospital. Inirekomenda ni Justice Undersecretary Francisco Baraan III ang pagtanggal sa pinuno ng NBP hospital, pati ang mga doktor ng mga VIP na bilanggo, dahil sa kanilang rekomendasyon na dalhin sa ibang ospital ang mga nasabing bilanggo dahil “emergency” daw. Pero pinatunayan ng CCTV na ang isa sa kanila’y masigla, at pinuntahan pa ng isang starlet para sa anumang dahilan. Nakitang nakipagbiruan pa sa kanyang mga guwardiya.

Ang isyu ng VIP treatment para sa mga nasa kulungan ay hindi talaga nawawala. Sa kaso naman ni Deniece Cornejo na nagdiwang ng kanyang kaarawan noong June 1, kitang-kita sa video na isang party ang naganap sa lugar kung saan siya dapat nakakulong. Ayon sa kampo ni Cornejo, pati ng pinuno ng CIDG ay hindi party ang naganap kundi isang fellowship, dahil Christian daw sina Cornejo. Noong buhay pa ang aking ina, madalas siyang dumadalo sa mga fellowship ng simbahan kung saan siya sumasamba. Minsan ay nakakasama ako sa kanya. Ang aking napansin ay walang cake, walang lobo sa mga fellowship na iyon, kundi pagbabasa at masiyasat na pag-aaral ng Biblia, kasama na ang masinsinang pagdarasal. Sa mga nakakita ng video, kayo na ang maghusga.

Katulad sa NBP, ngayon pati na rin sa CIDG, tila may mga nakakulong na mas pinapaboran ng mga opisyal. Lahat ba ng nagdidiwang ng kanilang kaarawan ay papa­yagang mag-“fellowship” sa parehong silid kung idinaos ni Cornejo ang kaarawan niya? Lahat ba ng bilanggo na may “emergency” ay papayagang makapunta sa pribado    at mamahaling ospital? Kay Cedric Lee, may VIP treatment din kaya sa NBI? Ito ang tanong ko.

Kung ganito ang natatanggap na pagtrato ng mga VIP na bilanggo, paano pa kaya kapag mga senador na akusado sa PDAF scam ang nasa likod na ng rehas? Umusad na ang kasong pandarambong laban sa kanila, kaya malapit na silang maaresto. Nakahanda na raw ang kanilang paglalagyan. Pero kapag nasa loob na, may VIP treatment rin ba silang matatanggap? Malayo na mas makapangyarihan ang mga akusadong senador kaysa sa mga kriminal na nabanggit, hindi ba?

vuukle comment

AYON

CORNEJO

DENIECE CORNEJO

JUSTICE UNDERSECRETARY FRANCISCO BARAAN

KAY CEDRIC LEE

LAHAT

NEW BILIBID PRISONS

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with