^

PSN Opinyon

Pika na sa sex video

- Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

IRITADO na si Justice Sec. De Lima sa ipinamamarali ng whistleblower na si Sandra Cam na may ilalantad siyang sex video laban sa kalihim.

May babala kasi si Cam na sa sandaling kumpirmahin si De Lima ng Commission on Appointments (CA), ilalantad niya ang naturang video. Ngayong kumpirmado na si De Lima totohanin kaya ni Cam ang banta? Abangan.

Very risky para kay Cam ang kanyang ipinahayag. Kung talagang may mailalantad siyang sex video ni De Lima, tiyak may mabigat siyang kasong kakaharapin kung magpasya si De Lima na benggahin siya.

At kahit hindi niya gawin ang bantang paglalantad, puwede siyang kasuhan ni De Lima kung gugustuhin ng huli. Pero siguro naman, hindi na gagawin ito ni De Lima dahil sa sobrang tuwa na ngayo’y isa na siyang full fledged Secretary of Justice.

Kaya ito ang apela ni De Lima kay Cam: “Sandra please enough. Enough please. Tama na yan!”

 Aniya hindi raw siya galit kay Cam dahil naniniwala siya na may ibang taong gumagamit dito para siraan siya. Sabi niya, kung may hawak mang video si Cam, siguradong ito’y “peke.” Kaya umano niyang depensahan ang sarili kung saka-sakali.

 Ngayon, nasa kamay ni Cam na patunayan ang kanyang sinasabi. Tiyak ko naman na mahahalata ng tao kung ang isang video ay peke o totoo. Ang tanong lang, ano ang tunay na motibo ni Sandra para ilantad ang sinasabing sex video? Bakit hindi niya ito inilantad agad para naharang ang kumpirmasyon ni De Lima sa CA?

 Sa ngayon, sinabi ni De Lima na gusto niyang malaman kung sino ang nasa likod ng pananakot na ginagawa ni Cam pero hindi umano niya ito gagawin sa ngayon.

Sa ganyang mga balitang lumalabas, totoo man o hindi, ito’y nagbibigay ng pangit na batik sa ating gobyerno na hindi lamang pugad ng katiwalian kundi maging ng lahat ng uri ng imoralidad.

vuukle comment

CAM

DE LIMA

JUSTICE SEC

KAYA

KUNG

LIMA

SANDRA CAM

SECRETARY OF JUSTICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with