^

PSN Opinyon

Walang nakikita habang kumikita

- Roy Señeres - Pilipino Star Ngayon

MAY mga kaibigan ako sa Bureau of Customs (BOC) na career officials at miyembro ng press corps. Halos lahat sila ay may alam sa smuggling operations ni David Tan na ayon sa mga ulat ay matagal nang point man sa BOC ng smugglers sa buong bansa. Humigit-kumulang umabot na diumano ng P6 billion ang naihatag na lagay ni Tan sa taga-Customs sa loob lamang ng dalawang taon para maipalusot ang smuggled items niya at mga ka-sindikato.

Naabutan na diumano ni Gen. Danilo Lim, dating Deputy Customs Commissioner for Intelligence, si Tan pero mukhang wala itong nakita ni anino man lang nito noong nanunungkulan pa siya. Ultimo ‘yung 2000 containers na naipalusot noon sa pier ay hindi nahanap ni Lim na para bang siya ay naghahanap ng karayom sa bunton ng dayami.

At ngayon, enter former AFP chief of staff and former four-star general Jessie Dellosa na pumalit kay Lim. Hanggang ngayon, hindi rin matukoy ni Dellosa kung sino ang nagpalusot ng 2000 containers samantalang ang usap-usapan naman sa Aduana ay si Lucio Lao Co, may-ari ng Pure Gold supermarkets ang nagpalusot niyon.

Si Mr. Jesus Arranza, ang ginagalang na pangulo ng Philippine Industries Inc. ay nagpahayag sa mga diyaryo dalawang linggo na ang nakararaan na may alam siya tungkol kay David Tan o Davidson Tan Bangayan na isang metal scrap dealer noon sa Davao City. Matapos ang dalawang linggo nang nakakabinging katahimikan, nagsalita na si Dellosa. Ayon sa report ng isang diyaryo: “Dellosa, a former Armed Forces Chief, has expressed willingness to cooperate with the Federation of Philippine Industries (FPI) in unmasking Tan.”  Hesusmaryosep Jessie Dellosa, ikaw ang dapat mag-operate laban kay Tan at hindi lamang mag-“cooperate.”

vuukle comment

ARMED FORCES CHIEF

BUREAU OF CUSTOMS

DANILO LIM

DAVAO CITY

DAVID TAN

DAVIDSON TAN BANGAYAN

DELLOSA

DEPUTY CUSTOMS COMMISSIONER

FEDERATION OF PHILIPPINE INDUSTRIES

HESUSMARYOSEP JESSIE DELLOSA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with