^

PSN Opinyon

‘Pagnanasa sa syota ng iba(?)’

- Tony Calvento - Pilipino Star Ngayon

KAPAG PINAKIALAMANAN ni ‘Pedro’ ang kay ‘Juan’ asahan mo maghahalo ang balat sa tinalupan!

Biglang may nagkalabugan sa mesa sa labas. Nang silipin niya nagkalat na ang mga basag na pinggan. Nag-aambahan na rin si ‘Marvin’ at ‘Benok’.

“Kilala n’yo ako! Mabait po akong tao…” matigas na sabi ni Benok habang mahigpit na nakayakap sa kanya ang isang umiiyak na dalaga.

Ang mga katagang ito ni Vyron o “Benok” ang naging palaisipan sa inang si Ma. Victoria “Mavic” de Leon… isang gabi habang nagdidiwang ng ika-20 kaarawan ang anak na si John Marvin.

“Nay… may nangyari sa’min kagabi ni Rita pero ang sinasabi niya pinilit ko siya. Pareho naman naming gusto yun,” sabi umano ni Marvin.

Nagsadya sa amin si Mavic para ihingi ng tulong ang anak na nakakulong ngayon sa presinto ng Teresa, Rizal dahil sa kasong ‘rape’.

Taong 1993, lumipat sa Dalig, Teresa, Rizal ang mag-asawang Mavic at “Jay”, parehong trabahador sa ‘garments factory’. May dalawa silang anak.

Mula ng mahinto sa pag-aaral si Marvin-- taong 2010 siya na ang naiiwan sa bahay. “Maraming siyang naging kaibigan. Mapalalake’t babae,” ani ng ina.

Ika-13 ng Oktubre 2013, birthday ni Marvin, nagkaroon ng salu-salo sa bahay. Bandang 6:00 ng gabi inilabas na ang Emperador at nagsimula na ang inuman sa labas. Tatlong kaibigan ni Marvin ang kasali, sina Richard ‘Chad’--19 anyos, Benok 18, isa pang kaedaran rin at dalawang babae.

Ilang sandali nakaidlip si Mavic. Alas 11:00 PM, pagising niya wala na si Marvin. Sinabi ng mga itong bumibili sila ng lugaw ni Chad sa ‘court’.

Bumalik sa loob si Mavic, maya-maya narinig niyang nagkakagulo na sa labas. Naabutan niyang nagtatalo si Benok at anak habang nakayakap kay Benok ang dalagang si “Rita” 18 anyos (di tunay na pangalan), girlfriend daw niya.

Tinanong ni Mavic kung anong nangyari subalit walang nagsalita maliban kay Benok, “Kilala niyo ako! Mabait po akong tao…”

Malalakas na ang tama ng alak ng mga ito kaya’t pinauwi sila ni Mavic.

Kinaumagahan, nagsalita sa kanya si Marvin tungkol sa umano’y ‘rape’ na nangyari … todo tanggi naman ito. Pareho daw nila itong ginusto.

Kinagabihan pag-uwi ni Mavic, naabutan niya ang mga pulis sa labas. Pinasama nila si Marvin sa presinto. Dito naabutan nila si Rita.

PARA SA ISANG BALANSENG PAMAMAHAYAG: Base sa binigay na salaysay ni Rita kay PO1 Pamela Aquino sa Pulisya ng Teresa:

Matapos tanungin ang kanyang edad (18 anyos) at tirahan kinwento niya ika-13 ng Oktubre 2013. Galing daw siya sa pakikipag-inuman sa kaibigan si “Margie” (di tunay na pangalan). Bago pa yun galing na siya sa birthday ni Marvin. Nag-text siya kay Marvin at pinasabi kay Benok na uuwi na siya.

Nakasalubong niya si Marvin at Chad na noo’y papunta sa lugawan. Sinabi ni Marvin na susunod si Benok kaya’t sumama siya.

Naglakad sila papunta sa direksyon ng basketball court. Umalis si Chad at naiwan sila ni Marvin. “Umupo kami sa bench, sa court. Hinimas niya ang aking likod at inumpisahan niyang halikan ang aking mukha.” --- laman ng salaysay.

Hinatak na lang siya ni Marvin hanggang makarating sila sa pilahan ng traysikel. “Pinasok niya ko sa traysikel at pinaupo…Hinubad niya ang short ko at panty. Binaba na rin niya ang short at brief hanggang kanyang tuhod. Saka po niya pinasok ang kanyang ari sa aking ari,” ---kwento pa ni Rita.

‘Di pa ito nakuntento at  pinatalikod siya. Tinulak niya si Marvin subalit pinalo nito ang tagiliran niya at hinatak ang kanyang braso. “Ipinasok niya ang ari niya sa aking puwit.” ---ayon sa salaysay ni Rita.

Nanlaban siya hanggang nakawala ang kanilang pagkakabit. Naiwan siya sa traysikel na umiiyak. Dumating si Chad at sinabing kanina pa siya hinahanap ng ibang mga kasama.  Dumiretso siya sa bahay ni Margie at nagsumbong.

Tumawag pa si Marvin ng gabing iyon at sinabing, “Baka naman sabihin mo pa ito kay Vyron?”. Sumagot si Rita, “Hayop ka, sasabihin ko pa rin ito!”.

Dumating si Benok matapos malaman ang nagyari. Nagalit ito, nagwala at sinugod si Marvin. Iniwat ni Rita ang dalawa.

Kinabukasan nalaman ng ina ni Rita ang nangyari. Nagsampa sila ng kasong RA 8353 (RAPE). Base sa medico legal report pirmado ni PC Insp Maria Anna Luisa Dela Cruz, MD., Medico Legal Officer, PNP Crime Lab, Camp Crame. Hymen: Presence of deep healed laceration at 6 o’clock position.  Shallow healed lacerations at 3, 2 9 o’clock positions. Anus: presence of abrasion at 1,3,10 o’clock positions. Nagpapatunay lang na nagalaw ang biktima.               

Nakakuha ng kopya si Mavic ng 2 Information na inilabas nung ika-18 ng Oktubre 2013, mula sa RTC, Morong, Rizal, pirmado ni Asst. Prov. Pros. Lynette Espiritu-De Ungria. 1.) Para  sa kasong RAPE (Article 266-A, Paragraph 2 of the Revised Penal Code as amended by RA 8353) halagang Php120,000 ang nirekomendang piyansa. 2.) Information para sa kasong (Article 266-A, No.1 in rel. to Article 266-B. 1st paragraph of the Revised Penal Code as amended by RA 8353) NO BAIL RECOMMENDED.

Katanungan ni Mavic, paano naging dalawa ang kasong kinakaharap ni Marvin? Ito ang dahilan ng pagpunta niya sa aming tanggapan.

Itinampok namin si Mavic sa CALVENTO FILES sa radyo. “Hustisya Para Sa Lahat” DWIZ882 KHZ (Lunes-Biyernes 3:00-4:00PM/ Sabado 11:00-12:00NN)

SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, ang depensa ni Marvin na pareho nilang gusto ang nangyari at walang pilitan (consensual sex) ay bagay na kailangan niyang patunayan sa isang malawakang paglilitis o ‘full blown trial’.

‘Probable Cause’ lang ang hinahanap ng isang ‘prosecution’. Sa isang normal na pangyayari hindi papayag ang isang babae na biktima ng panggagahasa na makaladkad sa publiko, sabihing siya’y na-rape. Sobra ang kahihiyang inaabot  niya sa mga mata ng mga mapagduda at malisyosong tao kaya’t kadalasan binibigyang timbang ang testimonya ng biktima.

Pagdating naman sa katanungan ni Mavic sa nakasaad sa Article 266-B, 1st paragraph, pinaliwanag namin na ito’y kapag  ang biktima ay under 18 yrs old.

Kung totoo ang kwento sa amin ni Mavic na hindi naman umano balak tuluyang ireklamo ng biktima si Marvin at ang mga kamag-anak lang nito ang nagpipilit, pinaliwanag rin namin na ang kasong ito ay People of the Philippines vs. akusado. Ang biktima ang tatayong pangunahing testigo ng prosecution.

Kadalasan nakasimangot ang korte (the court frowns) sa recantations o ‘affidavit of desistance’ dahil maaring may nangyaring bayaran o palitan ng pera o pangako para maayos ito. Ini-refer namin si Mavic kay Prosec. Romeo Galvez ng Department of Justice para magabayan at matulungan. (KINALAP NI MONIQUE CRISTOBAL) SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal magpunta sa 5th floor CityState Centre bldg.  Shaw Blvd., Pasig. Mag-text sa 09213263166, 09213784392, 09198972854. Tumawag sa 6387285 / 7104038.

Hotlines: 09213263166, 09198972854

Tel. Nos.: 6387285, 7104038

vuukle comment

BENOK

MARVIN

MAVIC

NIYA

OKTUBRE

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with