^

PSN Opinyon

Si Biazon at health ng madlang pinoy

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

SANGKATERBANG madlang public ang naggagalaiti sa buwisit ng kumpasan ni Customs Commissioner Ruffy Biazon ang kanyang mga alipores sa bureau na tustahin hanggang sa maabo ang multi-million peso worth ng mga smuggled peking duck at mga pigeon from China.

Sangdamakmak kasi ang nanghihinayang sa ginawang pagsunog sa mga kalapati at peking duck.

Sabi nga, napakasarap nito!

Ika nga, yum,yum,yum!

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sana ipinamahagi na lamang ni Ruffy sa mga biktima ng bagyong Pablo ang mga ito para kahit masama ang kanilang loob sa pangyayari ay makakakain sila ng masarap-sarap.

Halos mapatid ang vocal chord ng mga buwisit kay Ruffy dahil sa ginawa niyang pagsunog sa dapat makain na lamang ng mahihirap.

Ibinida ni Biazon sa mga kuwago ng ORA MISMO, ang dahilan ng pagsunog sa mga nakumpiska nilang napakamahal na pagkain dahil gusto niyang matiyak na ligtas ang kalusugan ng madlang pinoy.

 Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ‘unfit for human consumption’ ang mga nahuling pagkain.

Sabi ni Biazon, misdeclaration ang ginawa ng  Hexa Trading, consignee ng shipment dahil frozen mackerel  ang laman ng 2 reefer vans.

 Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ban items pala ang mga shipment dahil matagal na daw ipinagbawal ang pagpasok nito sa Philippines my Philippines  mula nang lumaganap ang sakit na birds flu sa iba’t ibang panig ng world.

 P40 million ang halaga ng shipment kaya naman crying like a cow ang may-ari nito dahil bukod sa nawala ang money capital makakasuhan pa ng smuggling.

Buti nga!

Abangan.

 

Jueteng ni Luding sa Baguio, montehan sa La Trinidad

 

MASAYANG - masaya ang mga bugok na kapulisan na sumasakop sa Baguio at La Trinidad dahil umaasa na ang mga kamote sa pamaskong handog ni Luding, financer ng jueteng sa Baguio at Karate Kid, ang nagpapa-monte sa La Trinidad dahil tiyak na mamamantikaan ang nguso nila.

Sabi nga, may pamaskong payola!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nalungkot ang mga miembro ng Philippine National Police ‘payola force’  ng huminto si Karate Kid sa kanyang pasugal na monte sa La Trinidad matapos tablahin ng gambling lord ang mga kamoteng patong na pulis.

Kaya naman ng huminto si Karate Kid sa kanyang o­perasyon ay maraming pamilya lalo na ang mga magbubukid ang natuwa dahil mahahawakan na nila ng buo ang pera mula sa inaning mga tanim.

Ngayon ay lumungkot ulit ang mga ito dahil lumipat lamang sa Broadway trading post ang montehan ni Karate Kid kaya tuloy ang sugalan doon.

Sabi nga, 24/7 pa!

Million of pesos kada linggo ang kita ni Luding sa kanyang pa jueteng sa Baguio kaya naman masaya rin ang PNP ‘payola force’ dito dahil maganda ang intelihensiyang nakukuha nila.

‘Hindi naman puedeng magkaroon ng illegal gambling sa isang lugar kung hindi papayag ang pulisya at local government dito.’ Sabi ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.

‘Kaya si Luding ay parang hari sa kanyang pa jueteng dahil lahat ay may payola sa kanya’.

Abangan.

vuukle comment

ABANGAN

AYON

BIAZON

DAHIL

HEXA TRADING

KARATE KID

LA TRINIDAD

SABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with