^

PSN Opinyon

Nasaan ang milyones para sa Sendong victims?

DURIAN SHAKE - The Philippine Star

Marami ang nagtatanong kung nasaan na ang milyones para sa mga biktima ng bagyong Sendong sa Cagayan de Oro City at sa Iligan City.

Higit 1,000 ang namatay at marami pa ang nawawala sa nasabing trahedya na nangyari noong December 2011. At libu-libo rin ang nawalan ng tahanan at mga mahalagang kagamitan dahil sa pangyayaring iyon.

May mga nagprotesta na nga at ang sinisigaw nila ay kung nasaan na ang milyones na donasyon para sa mga biktima ng Sendong na karamihan sa kanila ay magpahanggang ngayon ay hindi pa rin nakakabangon.

Ngunit ang mga paratang na ito ay pinabulaanan lamang ni Iligan City Mayor Lawrence Cruz at iginiit niya na hindi napunta sa local government ang lahat mga donasyon kundi may sariling mga proyekto ang mga donors na sila mismo ang nag-implement.

Ilang ulit na itong nangyayari. Kalunus-lunos ang kina­sapitan ng ating mga kababayan tuwing may trahedya. Ngunit gaano man kaawa-awa ang kanilang kinahihinatnan may mga mapagsamantala pa ring kababayan natin na ginagawang kapital ang trahedya at walanghiyang pinagkaperahan.

Sadyang may mga taong ganid at nalulunod sa kanilang kasakiman at hindi nila iniinda ang paghihirap ng ibang tao.

Sana maliban pa sa pagkakaroon natin ng disaster risk reduction and management mechanism kailangan din nating magkaroon ng check and balance system upang mawala na ang mga pagdududa sa tuwing may mga relief assistance o anu mang donasyon para sa ating mga nasalantang kababayan.

Kaya nga upang maiwasan ang mga haka-haka at kung anu-anong iskandalo dapat sana sa kung sino man ang nakatanggap, mapa-local government unit man o mga non-government organizations na nagsasagawa ng relief operations ay magkaroon ng proper audit sa expenditures upang walang masabi ang iba.

Political season na naman at hindi maiwasang kaila­ngang kumalap na ng pondo ang ating mga pulitiko para sa halalan ngayong May 2013. Ang kapal na talaga ng mga mukha ng ating mga pulitiko kung pati paghihirap ng ating mga kababayan ay gawing puhunan sa kanilang ambisyon.

vuukle comment

HIGIT

ILANG

ILIGAN CITY

ILIGAN CITY MAYOR LAWRENCE CRUZ

KALUNUS

KAYA

NGUNIT

ORO CITY

SENDONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with