^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Maging role model naman sana ang mga nasa puwesto

-

NAKA-TATAK na kay President Noynoy Aquino ang ‘‘tuwid na landas’’. Mula nang maupo sa puwesto noong 2010, ito ang lagi na niyang sinasabi. Maliwanag na ang gusto niyang taluntunin habang namumuno sa bansang ito ay tuwid at malinis na landas. At gusto niyang pamarisan siya. Kung ang hangad niya ay tuwid na landas, ito rin ang gusto niyang maging hangad ng mga ipinuwesto niya.

Pero paano kung may kasama siyang hindi naman lubos na nakikita ang tuwid na landas na nilalakaran at hindi nagpapakita ng halimbawa sa nakararami? Paano kung sa kabila ng pagsisikap ng pinuno ay mayroong tila naliligaw ng landas? Nararapat na magpasya ang pinuno kung paano tutuwirin ang isipan ng kanyang kasama. Siya ang dapat kumastigo para magpakita ito ng halimbawa.

Muli na namang nasa kontrobersiya si Presidential Adviser on Political Affairs Ronald Llamas. Nakunan ng retrato si Llamas na namamakyaw ng pirated DVDs sa isang mall sa Congressional Ave­nue, Quezon City noong nakaraag Lunes. Umano’y nasa P2,000 ang halaga ng pinakyaw na mga DVD. Noong nakaraang Oktubre 2011, nadiskubre ng mga awtoridad ang isang mataas na kalibre ng baril sa sasakyan ni Llamas nang masangkot sa isang aksidente. Nasa ibang bansa si Llamas nang madiskubre ang baril. Walang ginawang hakbang si President Aquino kay Llamas.

Pero ngayon, muli na namang naging kontro-bersiya si Llamas dahil nagpapakita na parang kinukunsinti pa niya ang paglaganap ng piniratang DVD. Habang patuloy ang gobyerno sa kampanya sa Anti-Piracy Law, narito naman ang isang taong gobyerno na tinatangkilik pa ang mga piniratang DVD. Nagpakita (na naman) ng pagtatanggol ang presidente sa kanyang adviser.

Tuwid na landas dapat. Kung ganoon, dapat manguna sa pagpapakita nang magandang halimbawa ang mga nasa katungkulan. Hindi ‘yung liku-liko ang kanilang ginagawa.

vuukle comment

ANTI-PIRACY LAW

CONGRESSIONAL AVE

HABANG

LANDAS

PERO

POLITICAL AFFAIRS RONALD LLAMAS

PRESIDENT AQUINO

PRESIDENT NOYNOY AQUINO

PRESIDENTIAL ADVISER

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with