Sana tapos na
K KA LANG? - Korina Sanchez () - July 17, 2011 - 12:00am

AKALA ko tapos na ang isyu sa mga obispo na tumanggap ng mga pera mula sa PCSO para makabili ng mga sasakyan noong panahon ni Gloria Arroyo? Akala ko tapos na ang isyu dahil humarap na ang mga obispong tinukoy sa Senado? Akala ko tapos na ang isyu dahil humingi na ng patawad ang mga tinukoy na obispo, at inamin na nagkamali sila ng pasya sa direktang paghingi ng mga sasakyan, maging utility vehicle (katulad ng mga pick-up at Hi-Ace) o SUV(oo, SUV ang Montero at hindi isang utility vehicle) at pagtanggap ng pera mula sa PCSO para makabili nga ng mga sasakyan? Akala ko tapos na ang isyu dahil binalik na ng mga tinukoy na obispo ang mga sasakyan sa PCSO?

Pero ngayon, tila ang simbahan naman ang umaatake sa gobyerno at sa PCSO. Ngayon, tila ang simbahan ang palaban naman sa pag demand ng paumanhin mula sa presidente mismo at nanawagan na magbitiw na ang isang opisyal ng PCSO. Ang dahilan, hindi naman daw mga Pajero ang biniling mga sasakyan kundi mga utility vehicle para magamit sa kawanggawa ng simbahan. Nasaktan daw sila sa akusasyon na mamahaling mga sasakyan ang binili nila para magamit na personal ng mga obispo. Himayin natin ng konti. Nasaktan ang simbahan dahil hindi naman daw mga mamahaling sasakyan o SUV ang mga binili nilang sasakyan. Sa isyung ito, mga Pajero raw.

Wala ngang biniling Pajero, na mga P2.5 hanggang P2.7 milyon ang halaga, pero may Montero naman. Ang Montero ay SUV na rin ang tingin, parang Fortuner, CRV, Grand Vitara, RAV4, Forester at CX-7 o CX-9. Kaya maaaring may nagkamali sa pagbanggit ng “Pajero”, na hindi naman binili ng mga obispo, pero may bumili nga ng Montero, na sa aking kaalaman ay may halagang P1.3 hanggang P1.7 milyon. Ang biniling Montero ay yung pinaka-mahal, P1.7 milyon.

Kaya nasaan ang isyu ngayon? Teknikal na pagkakamali sa pagbanggit ng klase ng sasakyang binili, o yung pagkakamali ng pasya sa direktang paghingi ng sasakyan? At sa aking alam, lahat ng panig ay humingi na ng patawad. Kaya nasaan ang isyu ngayon? Akala ko tapos na? Sino ang may ayaw na matapos na? Sana nga tapos na. Para tapos na. Di ba?

ANG MONTERO FORTUNER GLORIA ARROYO GRAND VITARA HI-ACE KAYA NASAKTAN SASAKYAN TAPOS
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with