^

PSN Opinyon

Dasal para sa masayang kamatayan

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon
Dasal para sa masayang kamatayan

Tradisyong Kristiyano manalangin para sa “masa­yang” kamatayan. Hindi pagkamatay na nakatutuwa o maligaya, kundi mapayapang pagpanaw.

Ugat ng salita ay “pinagpala”, “banal”, o “ligtas”. Biyaya mamatay nang walang kasalanang hindi naikumpisal, kaya tumalaga sa Diyos. Katahimikan ng isip ang pagpakawala ng sama ng loob, galit, o takot sa mga minamahal at sa mundo. Pinatatatag ng mga sakramento ang kahandaang espiritwal para sumalin sa buhay na walang hanggan.

Huling kabanata ang pagpanaw, pagsalin sa panibagong landas. Nakakatulong ang panalangin para harapin ang tunay na mahalaga: makapiling ang Diyos, pagkalinga kontra takot at kawalan ng pag-asa.

Maaring masakit o nakakatakot ang kamatayan. Nagsusumamo ang panalangin para sa katatagan laban sa kilabot at para sa tiwala sa habag ng Diyos. Ang pagtulog ay “munting kamatayan”. Kaya ang panalangin ay kadalasang bago humimbing.

Karaniwang panalangin ay sa Inang Maria at San Jose:

“Panalangin para sa Mapayapang Kamatayan. Sa tulong mo, umaasa akong makakamtan ang maligayang kamatayan. O aking Ina, isinasamo ko sa iyo, alang-alang sa pag-ibig na iniaalay mo sa aking Diyos, na tulungan ako sa lahat ng pagkakataon, lalo na sa huling sandali ng aking buhay. Huwag mo akong iwan, pakiusap ko sa iyo, hanggang sa makita mo akong ligtas sa Langit, na nagpapasalamat sa iyo at nag-aawit ng iyong mga awa para sa buong kabanalan at walang hanggan. Amen, ganoon nga ang aking pag-asa, nawa’y mangyari ito.

“Ipagkaloob Mo sa amin, Panginoong Hesus, na palaging sundin ang halimbawa ng Iyong Banal na Pamilya, upang sa oras ng aming kamatayan, ang Iyong dakilang Birheng Ina kasama ang mapagpalang si San Jose ay sumalubong sa amin, at kami ay karapat-dapat na tanggapin Mo sa walang hanggang tahanan: Ikaw na nabubuhay at naghahari magpakailanman. Amen.”

BANAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with