^

PSN Opinyon

'Little Las Vegas'

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

ANG tawag ng mga residente ng Villalon St., sa Bgy. Sto. Niño, Marikina City sa kanilang lugar ay “Little Las Vegas.” Kaya Little Las Vegas mga suki ay dahil sa naglipanang saklaan at video karera sa kanilang lugar. Ang nasa likod ng saklaan sa Little Las Vegas mga suki ay sina Eddie Zipper at alyas Rocky, samantalang ang video karera naman ay ang retiradong pulis na si Paeng Palma. Sa tingin ko, kahit anong batikos pa ang ibato kay Mayor Marides Fernando ay hindi na niya iindahin dahil bilang na ang mga araw n’ya. Subalit papayag kaya si Fernando na ang lahat ng accomplishment niya eh matatabunan lang ng Little Las Vegas nina Eddie Zipper, Rocky at Paeng Palma?

Si Mayor Fernando at asawang si dating MMDA chairman Bayani Fernando ang nasa likod ng pagya­bong ng Marikina hindi lang sa cleanliness kundi ma­ging sa pagiging investor-friendly. Sa pagkaalam ko, hindi pinayagan noong nakaraang mga taon ni Mayor Fernando ang video karera at pati na ang saklaan dahil alam niyang magiging ugat lang ito sa pagtaas ng krimen. Ano kaya ang nagtulak kay Fernando para lunukin ang prinsipyo? Pitsa kaya? Tiyak hindi, dahil marami ang pamilya niya n’yan, di ba Sir Meneleo Carlos?

Para sa kaalaman ni Mayor Fernando at Sr. Supt. Romeo Magsalos, hepe ng pulisya sa Marikina, ang saklaan nina Eddie Zipper at Rocky ay matatagpuan sa 450 Villalon St. Noong una kong binira ang video karera ni Paeng Palma sa Villalon St., sa bahay ni alyas Pusa, ang ginawa ni Magsalos ay ni-raid niya ang ilang puwesto at sinunog sa harap ng police headquarters. Subalit pakitang tao lang pala ‘yon. Dahil hanggang ngayon, buhay na buhay pa ang video karera ni Paeng Palma, na dati ring kolektor ng lingguhang intelihensiya ng CIDG. Ibig sabihin, nalinlang na rin ni Magsalos si Fernando noong nakaraang taon pa?

Kaya dapat ‘wag na ring magtiwala si Fernando kay Magsalos kung ang saklaan nina Eddie Zipper at Rocky at video karera ni Paeng Palma ang pag-uusapan. Dahil tiyak may pakinabang sa naturang mga pasugalan si Magsalos na dating myembro ng PMO sa Camp Crame. Ang PMO ang nagpapalakad ng Transformation Program ng PNP. Maliwanag na hindi transformation program ang ginagawa ni Magsalos dahil bulsa niya ang inuuna at hindi ang public service.

Si EPD director Chief Supt. Frank Manalo, patong din kaya sa saklaan nina Eddie Zipper at Rocky at video karera ni Paeng Palma? Abangan!

vuukle comment

BAYANI FERNANDO

CAMP CRAME

CHIEF SUPT

EDDIE ZIPPER

FERNANDO

LITTLE LAS VEGAS

MAGSALOS

MAYOR FERNANDO

PAENG PALMA

VILLALON ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with