^

PSN Opinyon

'One peso man...'

- Tony Calvento -

Si Ruben L. Taguba o ang tinaguriang ‘the one peso man’ dahil ayon kay Usec Antonio “Bebot” Villar, Chief ng Presidential Anti-Smuggling Group (PASG) ay piso lang ang ibinibigay sa kanyang bayad bilang ‘consultant’ ay isang multi-million peso man pala. May nagbigay ng impormasyon sa aming tanggapan na ang impormanteng katulad ni Taguba kapag nakapagbato ng trabaho ang halaga ng nakumpiskang “smuggled goods” ‘entitled’ siya sa 20% na pabuya. Huh? Ang laki naman pala nun.

Matatandaan na inilathala ko rito na siya ang nagbigay ng trabaho kaya natimbog itong ‘Diamond Queen’ na si Siu Ting o Alpha Kwok kung saan humigit sa 500 milyong pisong halaga ng precious gems and stone ang nasabat umano sa kanyang condominium 17th floor Pacific Plaza Ortigas, Pasig. Kung totoong 20% ang dapat mapunta sa kanya, sa madaling salita Php100 million yun. Wow dasalosamoni! (that’s a lot of money).

Sana naman kung kumita siya run dapat ideneklara niya yan sa kanyang ‘income tax return’ at nagbayad din siya ng kaukulang buwis. Idinagdag pa ng aming impormante na nung magretiro itong si Taguba malaki rin ang kanyang natanggap na ‘retirement benefits’ mula sa Bureau of Customs (BOC). Ang malungkot nyan ayon sa isang Regional Director ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ng kanyang beripikahin ang mga binayarang buwis ni Taguba sa pamamagitan ng kanyang tax identification no. 243-009-802-000, wala silang nakita. Habang isinusulat ang pitak na ito nangako ang mga taga BIR, National Investigation Division na masusi nilang titignan ang mga records nitong si Taguba.

Inaalam ko rin kung kasama si Taguba sa mga nabigyan ng ‘gun ban exemption’ ng Commisson on Election (COMELEC) dahil mainit ngayon ang balitang kinansela ng COMELEC ang nauna ng inissue na exemption sa lahat ng taga PASG sa kadahilanang may mga tao umano na hindi talaga lihitimong miyembro ng grupong ito na kasali sa listahan.

Kung kulang pa ang sakit ng ulo ng PASG magmula ng isinulat namin ang tungkol kay Taguba, sa isang breaking news, si Judge Silvino Pampilo Jr. ng Regional Trial Court (RTC), Branch 26 ng Maynila ay idineklara na ang pagtatag ng PASG ay ilegal dahil dinuduplika lang umano nito ang ‘functions’ ng BOC at ito’y malinaw na paglabag sa batas. Tatalayakin natin ito at marami pang iba sa susunod na issue ng CALVENTO FILES, dito lang sa PSNGAYON.

‘Tapang? Angas lang pala!’

MAY mga lalaking akala mo kung gaano katapang. Iniisip nilang kaya nila lahat pero kapag nakahanap sila ng katapat, wala pala silang tapang... puro angas lang! 

Lasing na lasing siya, nagpupumilit pumasok sa bahay, nagsisisigaw, nagmumura. Hinila niya ang kanyang mga anak. Hindi nagtagal biglang bumulwak ang kanyang mabahong suka sa sala.

Ganito kung manggulo umano si Edison “Dennis” Escoto sa asawa niyang si Eleonorie. Una ng nagsadya sa aming tanggapan si Eleonorie o “Elaine” noong taong 2008. Dalawa ang anak nila ni Dennis. Sumbong niya’y saksakan ng babaero itong si Dennis. Maliban sa pambababae, mabarkada rin umano ito. Panay ang inom.

“Sa tuwing uuwi siya ng lasing, kinabukasan siguradong may black-eye na naman ako! Bugbog sarado ako sa kanya!” daing ni Elaine.

Tiniis ni Elaine ang pambubugbog ng asawa. Halos anim na taon niyang pinakisamahan si Dennis hanggang dumating ang pagka­kataong natauhan siya. Nahuli ni Elaine ang asawang nambababae. Kinumpronta niya ito, ang sinagot naman umano sa kanya ni Dennis ay mag-asawang sampal at malalakas na suntok.

“Hinawakan niya ang ulo ko, pinag-uuntog niya ko sa pader! Parang demonyo si Dennis nun, para siyang sinapian!” kwento ni Elaine.

Ito pangyayaring nagtulak kay Elaine para iwanan ang asawa. Nagsampa siya ng kasong Physical Injuries sa Prosecutor’s Office, Caloocan. Hindi dito natigil ang pagkikipag laban ni Elaine sa asawa. Kumuha siya ng mga ebidensyang na umano’y magpapatunay na may kinakasama itong babae para sampahan niya ang mga ito ng kasong ‘concubinage’.  

Habang nagsasagawa ng ‘preliminary investigation’ ang taga-usig ng kaso. Nalaman ni Elaine na maliban pa sa bisyo sa babae nitong kanyang mister ay isinanla rin nito ang bahay at lupang kanilang pinundar sa halagang P50,000 ng hindi man lang  siya naabisuhan.

Kwento ni “Dory”, pinagsanlaan ng bahay, sinabi sa kanya ni Dennis na gagamitin niya ang pera pampagawa ng bahay at ng kanilang nasirang motor. Lahat ng ito’y hindi sinang-ayunan ni Elaine. Kasinungalingan lang umano ito, wala daw ni butas ang kanilang bubong maging ang kanilang motor.

“Tinanong ko si Dennis kung saan bakit kailangan niyang isanla ang bahay! Ang sabi niya naman, ‘Emergency! lang’,” kwento ni Elaine.

Inimbestigahan ni Elaine kung saan talaga ginamit ni Dennis ang pera. Napag-alaman niya umanong pinampa-anak pala ito ng babae ng kanyang asawa na si ‘Sheret’

“Hindi ko man mapigil ang kanyang pambababae dahil ganun na ang ugali niya, wala siyang karapatang pakialamanan ang mga naipundar namin!” wika ni Elaine.

Matapos ang mahabang panahong paghihintay ni Elaine na tiniis niya upang makamit ang kanyang oras ng tagumpay naglabas na ng resolusyon at tagausig mula sa Prosecutor’s Office ng Caloocan na nagsasabing merong ‘probable cause’ para maisampa ang kasong concubinge sa korte

Kinatigan naman ito ng Metropolitan Trial Court Metro Manila, Branch 43 Quezon City. Ang huwes dun ay naglabas ng ‘warrant of arrest’ at inuutusan ang mga Law Enforcement Agency gaya ng National Bureau of Investigation (NBI), Philippine National Police (PNP) at Criminal Investigation Detention Group (CIDG) na arestuhin itong si Dennis.

Si Dennis ngayon ay ‘wanted’ ng batas. Patuloy siyang nagtatago. Nagtataka ako, bakit hindi naman niya ilabas ang tapang niya ng mga sandaling ipinapaabot sa amin ni Elaine na walang mangyayari sa reklamong inihanin sa kanya at sa tulong na ibinigay namin. Ngayon, para kang isang daga na sumuot sa lungga.  (KINALAP NI MONIQUE CRISTOBAL)

Sa mga gustong dumulog sa aming tanggapan ang aming mga numero, 09213263166 o sa 09198972854 at ang landline ay 6387285. Maari din kayo magpunta sa 5th floor City State Center bldg., Shaw Blvd., Pasig City.

 

Email: [email protected]

vuukle comment

DENNIS

ELAINE

KANYANG

LSQUO

NIYA

TAGUBA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with