^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Gasgas na pangako sa corruption at kahirapan

-

SA Martes ay opisyal na ang pangangampanya para sa national level. Tiyak na maglalabasan pa ang mga political advertisement para ipakilala ang sarili — lalo ang presidentiables. Lalo pang tatapang ang kanilang pangangako sa mamamayan para makakuha nang malaking boto. Sa dami ng tatakbong presidentiables — siyam lahat, tiyak na maglalahad pa sila ng magagandang pangako.

Isa sa sigurado pang paiigtinging pangako ng presidentiables ay pangako nila sa pagdurog sa kati­walian at paglutas sa kahirapan ng buhay. Sa dala­wang isyu na ito sila magko-concentrate sapag­kat alam nilang sawang-sawa na ang mamamayan sa labis na corruption at sa hindi matapos na kada­hupan ng buhay ng mga Pilipino.

Pansinin ang mga political ad sa TV at karamihan sa kanila, ang paglupig sa mga corrupt at ang pagha­ngo sa kahirapan ang kanilang bukambibig. Nala­laman nga kasi nilang ang pangakong ito ang maaa­ring ma­kaani ng boto na maghahatid sa kanila sa Ma­ lacañang.

Merong nangangako na wawasakin ang corruption. Hindi raw hahayaang makapangyari ang mga magna­ nakaw. At ang matindi hindi raw siya magna­nakaw.

Merong nangangako nang magandang bukas, magkakaroon ng bahay, magkakaroon ng pagkain sa hapag, magkakaroon ng trabaho. Marami pang magandang pangako ang presidentiables, pero ang kanilang ipinagdiriinan ay wawasakin nila ang katiwalian at kapag natupad iyon, kasunod na ang pag-unlad ng bansa. Ibig nilang sabihin, ang katiwa­lian ang talagang ugat kaya naghihirap ang bansa at hindi mabigyan ng serbisyo ang mamamayan.

Maganda ang pangakong paglupig sa mga corrupt at paghango sa kahirapan. Sawang-sawa na ang taumbayan sa pamamayagpag ng mga corrupt sa pamahalaan. Lantaran na ang pagnanakaw. Maski ang mga dayuhang investors ay natatakot maglagak ng kanilang puhunan dito sapagkat laganap ang red tape. Sa halip na dito magtayo ng business ililipat sa ibang bansa na walang matatakaw na linta!

Bawat presidentiables ay may pangako laban sa katiwalian at kahirapan, at sana, hindi lamang ito maging “bulaklak ng dila’’ ng mananalong presidente. Tuparin ang pagwasak sa corruption para umunlad ang bansa at matapos na ang paghihirap. Kapag hindi naisakatuparan ang dalawang pangako, isusumpa na naman siya at wala nang kaayusan ang bansa.

vuukle comment

BAWAT

IBIG

ISA

KAPAG

LANTARAN

MAGANDA

MERONG

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with