^

PSN Opinyon

Ano ba NCRPO Chief Boysie Rosales?

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

KUNG tutuusin ang nakaraang nakawan sa Greenbelt 5 dyan sa temakats last Sunday sa mismong pusod este puso pala ng kalakal sa Makati ay isang malaking dagok sa liderato ni Boysie Rosales, bilang hepe ng NCRPO.

 Binagyo daw ng batikos si Boysie mula sa mga mambabatas at pinagbibitiw siya sa puesto.

 Sabi nga, why o why?

 Ito ang isyu na dapat kasing harapin squarely ni Boysie bilang commander ng Metro-Manila police force. 

Matatandaan ilang beses na sinabi ni Boysie na itong Alvin flores group ang may kagagawan ng malalaking nakawan sa NCR tulad sa Parañaque incident, Waltermart sa QC, Harrison plaza, robbery sa mismong haybol ni Rep. Boyet Gonzales sa Shaw Blvd., Manda­luyong at marami pang ibang patayan na nangyayari sa NCR.

 Ang tanong ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ANO ang GINAGAWA ni BOYSIE para MAHULI ang lintik na Flores gang?

 Ano ang ginagawa ng mga intelihensia este mali intelligence funds pala na nakukuha ni Boysie mula sa government of the Philippines my Philippines?

 Saan kaya nadadala ang official intelligence funds ng National Headquarters para ma-neutralize ang mga kamoteng magnanakaw at mamamatay tao sa NCR?

 May operational funds kayang ibinibigay para sa operating team o sa golf course lamang sila naguusap? Hehehe!

 Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ambition kasi ni Boysie na palitan si Chief PNP Jess Verzosa?

 Naku ha!

 Totoo kaya ito?

 Kaya napapailing na lamang siguro si dating CPNP Edgar Aglipay dahil ang mga security nito ang nasisisi ngayon.

 Ika nga, inside job?

 Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, napikon daw si Ed kaya ang sabi ‘do your job and don’t blame others for your laxity’.

 Naku ha!

 Totoo kaya ito?

 Siguro dapat sibakin si Boysie ni Jess for command responsibility?

 Abangan.

vuukle comment

BOYET GONZALES

BOYSIE

BOYSIE ROSALES

EDGAR AGLIPAY

JESS VERZOSA

NAKU

NATIONAL HEADQUARTERS

SABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with