^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Cha-cha train pausad-usad

-

NASA riles pa ang Cha-cha train at pausad-usad dahil itinutulak ng mga taga-House of Representatives. Kahit pa ibinasura na ito ng Supreme Court noon, patuloy pa rin ang usad ng Cha-cha train at baka isang umaga ay makarating na sa station at marami ang mabubulaga na idadaan na pala sa plebisito ang pag-aamend sa Constitution.

Desidido ang House of Representatives na ma­bago ang Constitution kahit pa mahigit isang taon na lamang at magkakaroon na ng presidential elections­. Lubhang minamadali ang pagtutulak ng Cha-cha train para maihabol ngayong taon na ito. At sa pagmamadali ng mga mambabatas para maitulak ang Cha-cha train, marami silang nakakaligtaan na dapat ay unahing gawin. Mas mahalaga ang kalaga­yan ng mamamayan na sa kasalukuyan ay maraming sadsad sa kahirapan ang buhay. Marami nang na­tanggal sa trabaho dahil sa epekto ng global crisis. Hindi yata nakikita ang ganitong problema at sa halip ang pag-amend sa Constitution ang inuuna.

Noong nakaraang linggo, isang kakatwang panu­kala pa ang naisip ng mga mambabatas na dapat daw madagdagan pa ng 50 pang kongresista ang kasalu­kuyang bilang ng mga mambabatas.

Hindi kaya ang panukalang ito ay para magkaroon nang marami pang kaalyado ang mga nasa poder para lalo lamang malakas at matibay ang pagsu­sulong ng Charter change. Posible ito. Kailangan ang dagdag na puwersa para maging epektibo sa anu­mang naisin sa hinaharap.

Hindi humihinto sa pagtutulak ang mga mamba­batas para madala sa station ang Cha-cha train. Hindi sila sumusuko kahit anuman ang mangyari. Dahan-dahan nilang dadalhin ang Cha-cha train kahit ano pa ang mga sagabal na humarang sa dadaanan.

Sabi ni House Speaker Prospero Nograles, kapag na-amend ang Constitution, magdudulot ito ng mga pagbabago sa ekonomiya ng bansa. Dadagsa ang mga dayuhang mamumuhunan sapagkat magkaka­roon na sila ng pagkakataong magnegosyo rito nang walang sagabal. Kapag daw naaprubahan ng House ang balak na Charter change, ipapasa nila sa Senado at sila na ang bahala. Kapag binasura raw ng Senado, wala na silang magagawa.

Ang tanong ay kung bakit kung kailan maraming problema ang bansa ay saka naman, itinutulak ang pag­pa­palit sa Constitution. Sa halip na ang mga maka­tu­tulong sa mahihirap na mamamayan ang una­hing asikasuhin, ang Cha-cha train ang pinipilit dalhin.

vuukle comment

CHA

DADAGSA

HOUSE OF REPRESENTATIVES

HOUSE SPEAKER PROSPERO NOGRALES

KAPAG

SENADO

SHY

SUPREME COURT

TRAIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with