^

PSN Opinyon

Go forth, multiply then die

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. -

NAIPIT sa nag-uumpugang headline ng US Economic Crisis at ng China milk products recall ang ilang disimu­ladong balita tungkol sa pang-aabuso ng mga bata sa bansa. Sa Northern Luzon, kumakalat ang praktis ng paggamit ng mga bata bilang DRUG COURIER ng mga sindikato. Sinisisi ang Juvenile Justice Welfare Act kung saan absuwelto sa anumang responsibilidad sa krimen ang mga menor de edad. Ito raw ang nagpapalakas sa loob ng mga kriminal na gumamit ng mga bata.

Sa Bacolod City, nagbuo ng lupon upang imbestigahan ang mga paratang ng child abuse sa isang city orphanage. Napaalalahanan tuloy ang tao sa nangyari noong 2007 nang inaresto sa US ang isang Amerikanong nanggaling sa Davao Oriental kung saan, sa isang orphanage, ay nagpanggap siyang relihiyoso at napalapit sa mga bata. Oras mahulog ang loob ng mga bata, libre na siyang gawin ang kanyang mga mahalay na intensyon.

Sa Mindanao, hindi lang giyera ang iniiwasan ng mga pobreng bata —– winarningan ng NBI ang publiko sa laganap na trafficking sa mga child organs. Ang modus operandi ay kikidnapin ang bata mula sa mga probinsiya ng Luzon, itatago sa Mindanao, bibigyan ng vitamins para malusog ang mga internal organs bago ito dadalhin palabas ng bansa kung saan “aanihin” ang parte-parte ng mga bata. Pagkatapos ay itatapon na lang ang mga bangkay na parang kinatay na sasakyan. Maski sa Internet, meron na itong mga advertisement. Ang malungkot ay may ilang mga magulang mismo na naglalaglag sa kanilang mga anak.

Iilan lamang ito sa collateral damage o hindi inaasahang side effect ng pagsabog ng ating populasyon. Sana’y isipin din ito ng Simbahan at ng mga kaalyado bago birahin nang husto ang mga may panukala ng Reproductive Health Bill. Hindi sana lalala ng ganito ang sitwasyon kung naagapan sana ng pamahalaan imbes na kaliwa’t kanang anomalya ang pinasukan. May mas mahalaga pa ba silang obligasyon kaysa seguruhin ang buhay at kalusugan ng ating mga anak? May oras pa. Imbes na makipagbangayan ay dapat magkaisa ang simbahan at pamahalaan sa paglaban sa walang pakundangang massacre ng mga bata.

vuukle comment

AMERIKANONG

BATA

DAVAO ORIENTAL

ECONOMIC CRISIS

JUVENILE JUSTICE WELFARE ACT

REPRODUCTIVE HEALTH BILL

SA BACOLOD CITY

SA MINDANAO

SA NORTHERN LUZON

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with