^

PSN Opinyon

Kasinungalingan ni Major Manyak vs Ebidensiya.

BAHALA SI TULFO - Ben Tulfo -

House Bill 4315 o Cyber Boso Bill o batas na mag­pa­­-pa­rusa at magbabawal sa sinuman na kumuha, mag-tago at magpakalat ng mga malalaswang gawain at larawan.

Ayon sa may akda nitong si Buhay Party List Representative Irwin Tieng, ito daw ang puprotekta sa sinu- mang masasangkot sa mapanirang pagkalat ng mala­laswang video at larawan.

Subalit sinasabi rin ni Rep.Tieng na may provision sa batas na kapag ang kinuhanan o idinokumentong malas­wang video o larawan ay ginawa upang gamiting ebi­densiya laban sa isang krimen, hindi masasampa-han ng kaso ang kumukuha nito.

Katulad na lamang halimbawa ng isang concerned citizen na nagvideo sa pangmomolestiya ng matandang lalaki sa isang apat na taong gulang na batang babae.

Marami kasi ang nagreact at nagtanong na may pananagutan rin daw ang taong kumukuha ng video   dahil bukod sa malaswa ito ay hindi nito pinigilan ang kasa-lu­kuyang krimen.

Nang makausap ng BITAG ang nabanggit na concerned citizen, naaawa lamang daw siya sa bata at sa magulang nito na walang kamalay-malay sa pangyayari.

Hindi raw niya nagawang pigilan at awatin ang suspek dahil naunahan siya ng takot. Ang suspek daw kasi ay isang retired major police. Natakot siya sa puwedeng mangyari sa kanya at sa kanyang pamilya.

Ito lamang daw ang tanging paraang magagawa   niya upang maisuplong ang may sala, ang makagawa ng isang matibay na ebidensya.

Maging ang retired major police na suspek sa kontro­bersiyal na malaswang video,hindi makapaniwala sa tumpak na ebiden­si­yang kanilang napapa­nood.

Nang magkaharap kami noong nakaraang biyernes, malapit na siyang humarap sa kanyang lumikha, nag­si­sinungaling pa, iti­natanggi ang krimen   na kanyang ginawa.

Ang kanyang asawa na noong una ay tuma­yong tagapagtanggol ng kanyang asawa, napaiyak na lamang sa isang tabi.

Ang aral, hindi ma­runong magsinunga-ling ang ebidensiya!

vuukle comment

AYON

BUHAY PARTY LIST REPRESENTATIVE IRWIN TIENG

CYBER BOSO BILL

HOUSE BILL

ISANG

KATULAD

NANG

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with