^

PSN Opinyon

Munting boses ng mga biktima

DURIAN SHAKE -

MULING sumabog ang isang bomba sa loob ng isang Metroshuttle bus noong September 1 ng hapon sa passenger terminal ng Digos City sa Davao del Sur na kung saan anim ang patay at 28 naman ang sugatan.

Nangyari ang insidente isang buwan lang ang nakalipas nang sumabog din ang isa pang bomba sa loob pa rin ng isang Metroshuttle bus at doon pa rin sa loob din ng Digos City terminal na kumitil ng dalawang buhay at marami pang ibang nasugatan.

Sa gitna ng tila walang humpay na pagsabog ng bomba sa bahaging ito ng bansa, na sinasabi ng mga otoridad ay ka­gagawan ng Al-Khobar extortion group, umiiyak na nag­mamakaawa ang mga biktima ng karahasang ito na sana’y magkaroon ng hustisya ang mga nangyayari sa kanila.

Maliban pa sa mga biktima ng pambobomba, libu-libo ring mga mamayan sa kanayunan ng Central Mindanao at Lanao del Sur ang tumatakbo sa daan patungo sa kung saan sa ti­ngin nila sila ay hindi na maabot ng palitang ng putukan sa pagitan ng mga sundalo at ng mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF). At sa pagtangkang sagipin ang kanilang buhay, nilisan nila ang kanilang mga tahanan maging ang kanilang pinagkakakitaan.

May libu-libo ring kuwento at hinaing ang mga taong ito na naging mga inosenteng biktima sa isang sitwasyon na hindi naman nila ginusto.

Ngunit hindi naririnig ng mga kinauukulan ang mga mun­ting boses ng mga biktimang ito dahil mas malakas pa nga ang boses ng mga pulitiko at mga opisyales natin na hindi naman totoo sa kanilang pakikitungo sa mga mamamayan.

May mga kanya-kanyang agenda ang mga pulitiko. At dahil sa lakas ng kanilang boses, kaya nitong lunurin ang mumunting boses ng mga kawawang evacuees na kung tawagin dito ay mga “bakwit”. Hindi na rin naririnig ang boses ng mga biktima ng mga pambobomba rito.

Kailangan na ngang pakinggan ang mga munting boses sa kanayunan, lalo na sa Mindanao. Kailangan na ring gumawa ang pamahalaan ng nararapat na hakbang upang tugunan ang hinaing ng mga sinasabing munting boses.

PAHABOL: May isang mataas na opisyal ng Armed For­ces of the Philippines na kailangang manindigan sa mga pina­palabas niyang statements at huwag media ang kan­yang awayin dahil lang hindi niya nagustuhan ang kan­yang sariling statement na siya naman ang may sabi. 

At kung hindi naman reporter ang kanyang pagdis­kitahan, eh deny naman ang drama niya na may linya pa ang kanyang spokesman na “misquoted” daw ang source ng istorya.

Nitong nakaraang linggo lang, may napagalitan daw na mga opisyales dito sa Mindanao dahil nag-leak nga sa media ang nilabas niyang guidance ukol sa sitwasyon sa Mindanao.

Dapat lang isipin ng opisyal na ito na pag nagtext siya sa kanyang mga tauhan, malamang mas mauna pa itong makakarating sa media. Hindi nga niya kontrolado ang Globe, Smart at Sun. Ngunit puwede naman niyang lawakan ang pananaw niya.

ARMED FOR

BOSES

CENTRAL MINDANAO

DIGOS CITY

KAILANGAN

METROSHUTTLE

MINDANAO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with