^

PSN Opinyon

Kapangyarihan ng collective bargaining agreement

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -

ANG kasong ito ay nagsimula nang pirmahan at maging batas ang Republic Act 6640 noong Disyembre 10, 1987. Layunin ng batas na itaas ang sahod ng mga manggagawa sa priba­dong sector ng P10.00 kada araw para sa mga tumatanggap ng P100.00 araw-araw o mas mababa pa.

Noong Disyembre 18, 1987, nagkasundo naman ang PMI at ang Union of Supervisors and Foremen sa isang collective bargaining agreement (CBA) kung saan ang mga superbisor ay binibigyan ng dagdag na P625 at ang mga foreman naman ay  dagdag na P475 kada buwan. Ang kasunduan ay susundin mula Mayo 12, 1987 o bago pa man mag-umpisa ang RA 6670 at mana­natili hanggang Hulyo 26, 1989.

Nang ipasa ang RA 6640, may 13 superbisor at limang foreman ang PMI. Tatlong empleyado lang ang tumatanggap ng suweldong mas mababa sa P100 kada araw. Ang tatlo ay sina Val, isang superbisor na tumatanggap ng P99.01 at sina Andy at Rene, mga foreman na tumatanggap naman ng suweldong P96.45 at P94.93 kada araw. Ang iba pang empleyado ay lampas P100 ang tinatanggap kada araw. Ang naging resulta tuloy, ang tatlo lang ang nadagdagan ng suweldong P10.00 kada araw. Ang suweldo ni Val ay naging P 109.01, ang kay Andy  ay naging P106.45 at ang kay Rene ay naging P104.93.  Ang sumunod na pinakamababa ang natatanggap na suweldo ay si Benny, isang superbisor na may suweldong P102.38 kada araw. Ang foreman naman na si Danny ay tumatanggap ng P107.14  kada araw. Samantalang si Mar naman, isa ring super­bisor sa PMI ay  P108.80  ang natatanggap kada araw.  Dahil sa karagdagang P10,  mas ma­­taas na ngayon ang sinusuweldo nina Andy at Rene sa iba pang foreman at maging sa superbisor na si Benny. Ang suweldo rin ni Val ay mas mataas kaysa sa mga kasamahan niyang super­bisor.  Ang naging resulta ay ang tinatawag na “wage distortion”.

Dahil sa nangyari at upang hindi muling magkaroon ng wage distortion, nagsampa ng kaso ang unyon laban sa PMI upang ang lahat ng miyembro nito ay maka­tanggap ng kaukulang dagdag sa suweldo magmula Disyembre 10, 1987.

Dininig ng labor arbiter ang hinihingi ng unyon. Nagkaroon ng 13.5% porsyentong dagdag sa lahat ng miyembro. Nang mag-apela sa Court of Appeals, mas lumaki ang 13.5% at naging 18.5%. Ang pagtataas daw ay upang itama ang wage distortion na dulot ng implementasyon ng RA 6640. Hindi raw ito maaaring balewalain.  Tama ba ang CA? 

MALI. Kahit pa nagkaroon ng wage distortion,  naitama na ito sa ginawang pagtataas ng suweldo  ng mga superbisor ng P625 kada buwan at P475 naman sa foreman umpisa Mayo 12, 1987.  Ang nangyaring pagtataas ay higit pa sa P10.00 na itinakda sa CBA.  Ang P625 kada buwan ay nangangahulugan ng P24.03 na ­kada araw para sa mga superbisor at ang P475 naman ay katumbas ng dagdag na P18.26 kada araw para sa mga foreman. 

Hindi makatarungan na utusan ang PMI na magbayad ng 18.5% dagdag sa suweldo ng lahat ng empleyado. Ito ay lampas sa napag­kasunduan sa CBA. Ayon sa napagka­sunduan, ang sumusuweldo lamang ng mas mababa sa P100 kada araw ang dapat mabigyan ng dagdag. Hindi na kasalanan ng kompanya kung tatlong empleyado lamang  ang maaapek­tuhan. (P.I. Mfg. Inc. vs. P.I. Mfg. Supervisors and Foremen Ass’n, G.R. 167217, February 4, 2008).

ANDY

ARAW

KADA

RENE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with