^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Walang tigil na pagpatay sa mga journalist

-

PARANG manok o ibon na binabaril ang mga journalists at ang gobyerno ay mabagal ang hakbang para malutas ang mga pagpatay. Makupad ang pamahalaan para mahuli ang mga killer ng journalist.

Isa na namang journalist ang pinatay noong bisperas ng Pasko at tiyak na ang pagpatay ay ma­ibibilang na naman sa mga nakatambak ng kaso na hindi malutas ng Philippine National Police (PNP). Sa pagkapatay sa journalist na si Ferdie Lintuan ng Davao City, apat na anak niya ang agad na naulila. Ngayon ay hindi malaman kung paano mabubuhay ang apat na magkakapatid dahil sa pagkawala ng kanilang ama. Ang kanilang ina ay matagal nang namatay dahil sa sakit.

Si Lintuan ang panglimang journalist na napatay sa taong ito. Ayon naman sa National Union of Journalists, si Lintuan ang ika-54 na mamamahayag na napatay mula nang maupo sa puwesto si President Arroyo noong 2001. Agad na kinondena ng grupong Reporters Without Borders ang pagpatay kay Lintuan at hiniling sa gobyernong Arroyo na agad lutasin ang kaso. Nakasaad sa website ng RWB, “Ngayong bisperas ng Pasko, ang komunidad ng mamamahayag ay muli na namang niyanig ng kakila-kilabot na pagpatay”.

Ilang buwan na ang nakararaan, nagtungo rito sa bansa ang isang grupo ng mga dayuhan at kino­kondena ang patuloy na pagpatay sa mga journalist at ganoon din ang paglabag sa karapatang pantao. Hiniling ng grupo sa gobyernong Arroyo na lutasin ang mga pagpatay. Bigyang hustisya ang mga nang­yayaring pagpatay na patuloy na nagaganap sa kabila na sinasabi ng pamahalaan na gumagawa    sila ng aksiyon.

Lumabas naman sa isang survey na ikalawa ang Pilipinas sa kinatatakutang lugar para sa mga journalist. Nangunguna ang Iraq na walang patawad kung patayin ang mga mamamahayag. Nakahihiya naman na nahanay ang Pilipinas sa mga kinatata­kutang bansa dahil sa walang tigil na pagpatay sa miyembro ng media.

Ang pinaka-latest na pag-atake sa mamama-hayag na si Lintuan ay maging huli na sana sa mga nagaganap na pagpatay. Magising sana ang pama­halaan para malutas na ang mga karumal-dumal na pagpatay.

DAVAO CITY

FERDIE LINTUAN

LINTUAN

NATIONAL UNION OF JOURNALISTS

PAGPATAY

PASKO

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

PILIPINAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with