^

PSN Opinyon

Katotohanan mananaig sa ZTE, miski guluhin

SAPOL - Jarius Bondoc -

KAHIT bali-baliktarin ng mga taga-depensa ng ZTE deal ang istorya, may mga katotohanang hindi mababali.

Una: Pinirmahan nina DOTC Sec. Leandro Mendoza at ZTE Corp. vice president Yu Yong ang “supply contract” sa Boao airport, Hainan, China, nu’ng Abril 21, 2007. Witness pa nga si President Gloria Arroyo, na iniwan       ang mister na kaoopera pa lang sa puso. Kung ninakaw man o tinago lang nila ang umaalingasngas na kontrata, ang malinaw ay ni hindi kumibo si Arroyo.

Malinaw din na hindi “memorandum of agreement” kundi supply contract ang pinirmahan. Kaya hindi mai­kakaila na obligado na ang gobyerno na tuparin ito miski hindi kailangan at itinatago sa publiko.

Malinaw din na sa gitna ng election period na Enero 15-Hunyo 15 in-award ang kontrata. Labag ito sa Omnibus Election Code. Ang parusa: Anim na taon pagka­bilanggo at permanenteng bawal na sa public office.

Ikalawa, may dalawang inetsapuwerang kakompi-    ten­siya ang ZTE Corp. Nag-offer ang Arescom Inc, ng US na i-supply ang parehong ekwipo ng ZTE sa ha­ lagang $135 milyon lamang. Offer naman ng Amsterdam Holdings Inc. na gumasta ng sariling $240 milyon. Sa ZTE: $330 milyon.

Hindi natalo sa bidding ang Arescom at AHI dahil walang naganap na bidding. Ani nina Mendoza at DOJ Sec. Raul Gonzalez, executiive agreement kuno kaya wala nang bidding-bidding pa para sa napakalaking halagang proyekto.

Ikatlo, si Chairman Ben Abalos na mismo ang umamin sa DZMM at DZBB na apat na beses siyang bumiyahe sa Shenzhen nu’ng 2006 sagot ng ZTE executives. Isang paglabag ito sa Code of Conduct and Ethical Standards, na nagbabawal ang pagtanggap ng mahalagang regalo.

Baliin na ng mga taga-depensa sa ZTE deal ang ilang detalye para guluhin ang kuwento. Pero hindi mababali ang katotohanan. Tiyak ‘yon.

* * *

Lumiham sa [email protected]

vuukle comment

AMSTERDAM HOLDINGS INC

ARESCOM INC

CHAIRMAN BEN ABALOS

CODE OF CONDUCT AND ETHICAL STANDARDS

LEANDRO MENDOZA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with