^

PSN Opinyon

Minaliit ng taga-oposisyon ang kabayanihan ni Singson

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
IPINAKITA lang ni Administration Senatorial Luis ‘‘Chavit’’ Singson na handa siyang magbuwis ng buhay para lang sa kapakanan ng kanyang kapwa Pinoy. Sa hostage situation kasi sa Lawton sa Maynila ng nakaraang linggo, hindi inalintana ni Singson ang panganib sa buhay niya ng iligtas niya ang 29 estudyante sa kamay ni Armando Ducat at kasama niya.

Pero kahit lumabas na bayani si Singson sa mata ng taumbayan, aba hindi rin naman siya tinantanan ng detractors niya lalo na ’yung sa Genuine Opposition na minaliit lang ang kabayanihan niya. Ang tanong lang mga suki, may isang opposition ba na lumutang para subukang magpakabayani tulad ni Singson? Saan ba ang GO ng mga oras na ’yaon na ang mga kabataan ay litung-lito sa panganib na hinaharap nila? Eh di sa harap ng television. Panay laway lang itong GO, hindi tulad ni Singson na handang suungin ang panganib para lang makatulong.

Kung titingnan n‘yong maigi mga suki itong demands ni Ducat, aba halos iisa ang panawagan nila ni Singson, ‘‘Boses ng Probinsiya’’ na isulong ang education program ng gobyerno sa buong bansa. Sa pananaw ni Singson, dapat itong mga kolehiyo at unibersidad ay dalhin ng gobyerno doon mismo sa mga mataong lugar sa probinsiya. ’Yan ay para mabawasan ang gastusin ng mga magulang para pag-aralin ang kani-kanilang mga anak. O di ba may punto si Singson dito, di ba mga suki?

Hindi lang ’yan. Guso rin ni Singson na ang mga estudyante sa mga public schools ay mabigyan ng free uniforms at mga libro at iba pang pangangailangan. O mayroon bang ganyang programa ang taga-GO mga suki? At yan ay masusunod mga suki ko dahil si Singson ay masasabi ko na laking kalye, may yagbols at lalaking kausap. He-he-he! Ilista na ang pangalan ni Singson sa sample ballots n’yo mga suki?

Para sa kaalaman ng detractors ni Singson, maging si Ducat ay nagsabing hindi niya kilala itong si ‘‘Boses ng Probinsiya’’. Hindi rin niya hiniling na si Singson ang makipag-negosasyon sa kanya. At higit sa lahat, kitang-kita naman sa TV at mga video footages sa kasagsagan ng pagpalaya ng mga hostages na kusang iniaabot ni Ducat ang hawak na granada kay Singson. Kayo rin mga suki, tiyak nag-monitor din sa TV at radyo sa developments ng hostage drama noon, masabi n’yo bang ‘‘political stunt’’ lang ni Singson ang insidente? Baka nainggit lang ang GO dito kay Singson dahil abo’t langit ang pogi points na inani niya sa kabayanihan niya. Hindi na kailangan ni Singson ang gimik bunga sa malakas ang dating niya sa mga regions ng bansa, lalo na ’yaong mga vegetable farmers na kasama rin sa mga programa niya kapag naluklok siya sa Senado.

Bakit bumaligtad itong si Ducat? ’Yan ang magandang tanong, di ba mga suki? Kung masabi ng oposisyon na political stunt ang kabayanihan ni Singson, eh puwede ring gimik lang itong pagbaligtad ni Ducat. Kumalat kasi sa kalye ang balita na itong abogado pala ni Ducat na si Atty. Antonios Collado ay kasa-kasama ng isang police relations officer ni ousted Pres. Joseph Estrada sa San Juan. Si Erap umano ang nagbabayad ng attorney’s fees ni Collado. Si Singson ang whistleblower laban ke Erap at posibleng gumagastos ang huli para makaganti sa ‘‘Boses ng Probinsiya’’. Abangan!

vuukle comment

ARING

LANG

NIYA

PROBINSIYA

SINGSON

SUKI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with