^

PSN Opinyon

Tulong pinansyal sa West Rembo Elem. School Robotics Team

#PROUDMAKATIZEN - Abby Binay - Pilipino Star Ngayon

Ngayon ay balitang-balita na ang pagbibigay ko ng tulong pinansyal sa West Rembo Elementary School Robotics Team para sa kanilang pagsali sa 2024 VEX Robotics World Championship na ginaganap sa Dallas, Texas mula April 25 hanggang May 3, 2024. Ang maagap na pagbibigay ng pondo ay hindi pagmamayabang o PR stunt. Ito po ay dahil sa taos-pusong kagustuhan po namin na makita ang mga batang itong magtagumpay.

Opo, hindi na nga parte ng Makati ang West Rembo Elementary School, pero sa loob ng maraming taon ay nakita ko ang paglaki at paglago ng mga estudyante dito. Ako mismo ang nag-e-encourage sa mga bata na mangarap nang mataas dahil nandito ang pamahalaang lungsod para suportahan sila at tulungan silang maabot ang mga pangarap na ito. Hindi ko naman yata kayang makita na pagkatapos nilang maghirap ng maraming buwan para sa kompetisyong ito ay biglang hindi sila makakasali dahil sa kakulangan ng pondo. Hindi biro ang galing at husay ng mga estudyanteng ito para makapasok sila sa isang prestihiyosong kompetisyon tulad ng VEX Robotics World Championship. Malaking karangalan ito hindi lang para sa Taguig, kundi sa buong bansa na rin.

Nakipag-ugnayan sa akin ang mga magulang ng mga batang kasali sa robotics team na hindi sapat ang  pondong ibinigay ng pamahalaang lungsod ng Taguig para sa lahat ng mga gastusin nila sa biyahe. Bukod sa pamasahe sa eroplano, syempre naman ay kailangan din nilang kumain at may maayos na matutuluyan lalo at elementary pa lang ang mga batang ito. Nakakapanghinayang lang na hahayaan yata ng lokal na pamahalaan ng Taguig na hindi makasali ang West Rembo Robotics Team dahil sa kakulangan ng pondo. Matamlay at matabang din ang kanilang suporta para sa robotics team na pinaghirapang buuin ng eskwelahan at hasain para umabot ang mga bata sa “competition-level” na performance.

Tuloy, iniisip ko na  baka hindi kayang maipagpatuloy ng Taguig ang antas at kalidad ng Robotics program na dating ipinatutupad ng Makati. Unang naipatupad ang Robotics Program sa Makati public schools noong school year 2007-2008. Pagdating ko ng 2017, isang bagong Robotics program ang isinama sa curriculum ng  Grade 3 hanggang Grade 12 sa public schools ng lungsod. Espesyal itong dinisensyo upang maging angkop sa skill levels ng mag-aaral habang nahahasa ang kanilang problem solving skills at kakayahan para sa critical thinking. Sa nakaraang pitong taon, namahagi din kami ng age-appropriate Robotics kits sa public school students na angkop sa kanilang development level.

***

Todo-suporta din kami ni Cong. Luis sa Makati High School Robotics Team natin na kasali din sa VEX World Championship Competition, at bukod tanging public high school na pambato ng bansa sa taong ito. Sa kanilang pagbisita sa SM Makatizen Hub noong nakaraang linggo ay personal naming inabutan ng pocket money ang bawat miyembro ng Makatrix Robotics Team, pati na ang kanilang coach at principal. Talagang nakakabilib at nakaka-proud ang mga kabataang ito. Sa ganitong edad ay napakarami na nilang na-achieve. Ganito ang pangarap namin para sa mga batang Makatizen, at makakaasa kayo na andito kami sa inyong likuran para tulungan kayong mas maging matagumpay pa.

vuukle comment

WEST REMBO ELEMENTARY SCHOOL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with