^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Ipagpatuloy ang background checks

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Ipagpatuloy ang background checks

Seguridad ng bansa ang nakataya kaya dapat paigtingin ng Philippine National Police ang pag-background checks sa mga Chinese students sa Cagayan. Kailangang malaman ang katotohanan kung sila nga ba ay mga tunay na estudyante o mga nag-eespiya sa bansa. Marami ang nababahala na ang mga estudyanteng Chinese ay mga spies.

Ayon sa PNP, isinasagawa na nila ang pag-background checks sa Chinese students at nakikipag-ugnayan na sila sa mga ahensiya ng gobyerno para ma-verify ang mga Chinese students na ayon sa Bureau of Immigration ay nasa 400. Una nang sinabi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na mayroong 4,600 na Chinese sa bansa at mga naka-enrol sa school sa Cagayan at mga nakatira sa mamahaling dormitory.

Idinepensa ng PNP ang ginagawang pagmonitor sa Chinese students dahil sa isyu ng national security concerns. Ayon sa PNP may dalawang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sites sa Cagayan – the Naval Base Camilo Osias sa Sta. Ana municipality at ang Lal-lo Airport in Lal-lo.

Lubhang nakapagtataka na kung saan may nakatayong EDCA sites ay doon gustong mag-settle ng mga Chinese.

Ang presensiya ng Chinese students sa Cagayan ay unang binunyag ng Armed Forces of the Philippines (AFP). Siniseryoso umano nila ang pagdagsa ng mga estudyanteng Chinese.

Nagpahayag din ng pangamba ang House of ­Re­presentatives sa pagdagsa ng mga Chinese students at gusto nilang maimbestigahan ito. Sabi ni Surigao del Norte 2nd District Rep. Robert Ace Barbers, nakaaalarma na ang pagdagsa sa bansa ng Chinese workers, businessmen, tourists at ngayon naman ay mga estudyante. Ayon pa kay Barbers, nagsisimula na ang pagsakop ng China sa Pilipinas.

Nakapagtataka naman kung bakit ngayon lang ito nabulgar gayung 2019 pa pala nagsimula ang pag­dagsa ng mga estudyante. Paano naman nakalusot ang mga estudyante sa local officials ng Cagayan? Sabi ni Cagayan Governor Manuel Mamba, dokumentado ang mga estudyante ng Department of Foreign Affairs at may pahintulot ng Commission on Higher Education (CHED) ang pag-aaral ng mga ito. Idinagdag pa ni Mamba na hindi na kailangang magsagawa ng imbestigasyon ang House of Representatives ukol dito. Hindi naman daw banta sa seguridad ang mga estudyante at hindi dapat iugnay sa nangyaring tensiyon sa West Philippine Sea.

Ipagpatuloy ng House of Representatives ang imbestegasyon sa pagdagsa ng Chinese students para malaman ang buong katotohanan. Naghahatid ng pangamba ang mga ito lalo ngayong may “secret deal” si dating President Duterte at Chinese leader

vuukle comment

AFP

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with