^

PSN Opinyon

Pabagu-bagong polisiya sa mga OFW

DOKTORA NG MASA - DOKTORA NG MASA Ni Sen. Loi Ejercito Estrada -
PATULOY na tumatanggap ng mga reklamo ang aking tanggapan hinggil sa bagong polisiya ng DOLE at OWWA sa deployment ng mga overseas contract worker, partikular na sa hanay ng domestic helpers (DH) na karamihan ay nade-deploy sa Hong Kong at Singapore.

Ayon sa pinakamalaking samahan ng mga OFW, ang Migrante International na may pinakamalaki ring kasapian sa Crown Colony, hindi pumapabor bagkus, lalo lamang nahihirapan ang ating mga kababayan sa gustong mangyari ng DOLE/OWWA na itaas ang edad at qualification ng mga aplikante kasabay ng mandatory training requirement na siyempre pa ay hindi naman libre at ang bayad ay kukuhanin pa rin sa bulsa ng mga aplikante.

Depensa ng mga nabanggit na ahensiya, kailangan ang mga pagbabagong ito upang maitaas ang kalidad ng serbisyo ng ating mga OFW, mailigtas sila sa mga sindikatong pasok sa illegal recruitment at ma-justify ang pagtataas ng hinihinging suweldo sa mga employer.

Maganda ang mga adhikaing ito sa biglang tingin. Ang akin lamang puna, kinakailangan pa ba na mga OFW ang pumasan sa mga gastusin?

Bilyun-bilyon na ang kontribusyon ng mga OFW sa pondo ng OWWA sa partikular at sa ating ekonomiya sa kabuuan, kailangan pa bang dagdagan pa ang kanilang mga gastusin sa mga pagbabagong gusto ng administrasyon na sa opinyon naman ng iba ay hindi napag-isipan nang husto at hindi man lamang dumaan sa isang genuine consultation sa mga apektadong sektor?

Ang aking punto: Hindi na ba makagagawa ng programa ang rehimeng Arroyo na ang gastusin ay hindi kailangang kunin sa mga sinasabi nilang "ultimate beneficiary" tulad ng ating mga OFW?

vuukle comment

AYON

BILYUN

CROWN COLONY

DEPENSA

HONG KONG

MAGANDA

MIGRANTE INTERNATIONAL

OFW

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with