^

PSN Opinyon

Si PNP Supt. Benjie delos Santos ng CIDG

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
BIBIGYAN ng tatlong award ng pamunuan ng Philippine National Police si Supt. Benjie delos Santos sa Monday, January 22, 2007 bilang Best Senior Officer of the Year for Operations, special award for Paglalansag Omega at special award for operating DIU.

Si Benjie, ay dehins lamang katulisan este mali police pala kundi isa itong lawyer graduate sa San Beda College of Law.

Nakilala ng mga Kuwago ng ORA MISMO, si Benjie noong nakatalaga toits sa Criminal Investigation Service.

Ika nga, James Bond ang dating niya noong araw.

Maraming kasong hinawakan si Benjie up to now kaya sangkatutak na criminal ang nakalaboso dahil dehins nagpaubaya este nagpabaya pala sa tungkulin ang una. Ika nga, walang tulugan sa trabaho.

Si Benjie ang isa sa mga official ng PNP-CIDG na pinagkakatiwalaan ng lubos ni two Star General Jess Verzosa ang future PNP chief, he-he-he!

Isa si Benjie sa dahilan para mahuli at makasuhan ang mga notorious criminals sa Pinas. Sabi nga, walang takot!

Natutuwa naman ang kapatiran ng Free and Accepted Masons of the Philippines dahil nabigyan ng break si Benjie at pinagkatiwalaan ito ng kanyang mga bossing sa PNP.

‘‘Mabibigyan ba ng panibagong promotion si Benjie?’’ tanong ng kuwagong tuliro.

‘‘Iyan ang hindi ko alam’’ sagot ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘‘Ano ang premyo ni Benjie sa pamunuan ng PNP?’’ tanong ng kuwagong urot.

‘‘Mga plake at medalyang tanso,’’ sagot ng kuwagong maninisip ng tahong.

‘‘Basta ang importante kay Benjie may award siyang makukuha sa magandang trabahong ginawa niya para sa buwan este mali bayan pala.’’

‘‘Magbo-blowout ba si Benjie?’’

‘‘Iyan kamote ang itanong ninyo sa kanya.’’

vuukle comment

BENJIE

BEST SENIOR OFFICER OF THE YEAR

CRIMINAL INVESTIGATION SERVICE

FREE AND ACCEPTED MASONS OF THE PHILIPPINES

IKA

IYAN

JAMES BOND

PAGLALANSAG OMEGA

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

SI BENJIE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with