^

PSN Opinyon

Si Jess ng CIDG

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
BELATED Happy Birthday kina Bettina P. Carlos, CIDG bossing Jess Verzosa at DZBB broadcaster Rene Sta. Cruz, kaarawan nila kahapon, Dec. 25, Pasko.

Ang isyu, si CIDG bossing Jess Verzosa ang manok ng mga kuwago ng ORA MISMO para sa pinakamataas na puwesto ng katulisan, este mali, kapulisan pala.

Siya ang gusto ng mga kuwago ng ORA MISMO na maging PNP Chief oras na magretiro ang mga senior citizens sa Crame.

Wala nang pigil si Jess para sa puwesto na matagal nang pinangarap, hindi lamang ng mga kuwago ng ORA MISMO kundi ng mga kuya niya sa masonorya.

Sabi nga, subok na matatag, subok na maaasahan.

Makatao, madaling lapitan, kausapin, hingan ng tulong at maginoo.

Ika nga, an officer and a gentleman.

Hindi biro ang mga kriminal na pinugutan, este mali, hinuli pala ni Jess noong bata pa siya sa serbisyo, lahat sila na nahulog sa bitag ng ating bida ay naghihimas ngayong ng rehas.

Sabi nga, nasa kalaboso.

Ilan lamang ang napunta sa impiyerno dahil lumaban sa butas, este mali, batas pala, ang mga culprits.

Ilang taon na rin ang nakakaraan nang pumutok si Jess sa Pinas dahil sa pagkatakas ng pusakal na terorista na si Al Ghozi.

Laman si Jess ng mga dyaryo, television at radyo.

Sabi nga, sumikat siya dahil pinag-usapan.

Nang mabalitaan ni Jess ang nangyari kay Al Ghozi, agad siyang nagpunta sa higher headquarters ng katulisan, este mali, kapulisan pala, para hingin sa PNP Chief na alisin muna siya sa Intelligence Group bilang bossing pending investigation. May delicadeza kasi si Jess!

Sa awa ng Maykapal, nahuli at ngayon, kasama ni Satanas sa impiyerno si Al-Ghozi, nag-uusap sila kung anong places ang pasasabugin, he-he-he!

Sumalangit nawa ang kaluluwa.

Si Jess ay magaling na investigator at police kaya alaws duda ang mga kuwago ng ORA MISMO na mapipili siya bilang bossing ng PNP sa mga susunod na araw.

"Malamang maraming sumira sa kredibilidad ni Jess?" sabi ng kuwagong urot.

"Siyempre!" sagot ng kuwagong haliparot.

"Nakakatakot ba si Jess?" tanong ng kuwagong sepulturero.

"Hindi mabait siya," sagot ng kuwagong maninipsip ng tahong.

"Eh bakit kapag nabanggit ang pangalan nito, marami ang kinakabahan?"

"Disiplinado kasi," sagot ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

"Si Jess na ba ang susunod?"

"Tiyak, abangan mo kamote!"

AL GHOZI

BETTINA P

CRAME

HAPPY BIRTHDAY

JESS

JESS VERZOSA

SABI

SI JESS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with