^

PSN Opinyon

Hustisya sa biktima ng pork smuggling

SAPOL - Jarius Bondoc -
DAAN-LIBONG magmamanok at magbababoy ang biktima ng smuggling ng unprocessed poultry at meat mula China. Bumabagsak ang presyo ng produkto – at kita – ng poultry at hog raisers kapag dumadagsa ang mura dahil maduming itlog, manok at karneng baboy ng China. Bukod du’n nalalagay sa panganib ang local livestock dahil baka mahawaan ng bird flu at foot-and-mouth disease na laganap sa China.

Pero tila walang magawa ang industriya ng manok at baboy. Anang Agricultural Sector Alliance of the Philippines (AGAP) "naghihintay" lang sila kung ano ang gagawin ni Customs chief Napoleon Morales laban sa agricultural smuggling. Hanggang hintay na lang daw sila sa kabila ng pagnakaw ang kumpiskadong apat na container vans ng pork mula sa private warehouse na tinalaga ng Customs. Hanggang hintay na lang sila ng aksiyon ngayong nakuha na ng pulis ang ninakaw sa isang cold storage plant sa Pampanga. Hanggang hintay na lang ng kilos sa report ng NBI na naging labis na pabaya ang mga taga-Customs sa custody ng kontrabando.

Hirap si Morales kumilos. Kasi tila mga bata at mga itinalaga niya ang sangkot sa sunod-sunod na anomalya sa pork smuggling. Tao niya ang hepe ng Task Force Anti-Smuggling, na dapat sana pero hindi nag-imbentaryo ng laman ng apat na 40-footer vans. Appointee niya ang nag-license sa importer na Asia Golden Ark Marketing, na nagbasok ng bawal na pork. Chief of staff niya ang tagapamahala sa operasyon ng pribadong Sigma Warehouse kung saan itinabi at nawala ang 90% ng pork. Tao niya ang hepe ng auction and cargo disposal division na nagplano ng pekeng pagbaon ng kontrabando sa Pampanga kung saan wala palang permit ng local officials at handang dumpsite.

Pero tao man niya o hindi ang mga opisyales na sangkot (direkta o hapyaw) sa nakawan, kailangan maparusahan. Kung hindi, si Morales na mismo ang paghihinalaang sangkot. Kung hindi, mawawalan ng gana ang local agricultural industry na nagbabayad ng buwis. Mababawasan ang smugglers at magnanakaw kung may mapaparusahan.

vuukle comment

ANANG AGRICULTURAL SECTOR ALLIANCE OF THE PHILIPPINES

ASIA GOLDEN ARK MARKETING

BUKOD

BUMABAGSAK

HANGGANG

NAPOLEON MORALES

PAMPANGA

PERO

SIGMA WAREHOUSE

TASK FORCE ANTI-SMUGGLING

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with