^

PSN Opinyon

Writer ng bastos na tabloid nangumpisal sa BITAG

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -
MATAPOS maipalabas ng BITAG ang reklamo ni Alma, model ng pornographic video, laban sa isang malas- wang tabloid, pumunta sa tanggapan ng BITAG ang manunulat na si Gilbert. Writer siya ng malaswang tabloid. Binabagabag daw siya ng kanyang konsensiya kaya’t lakas loob na lumapit sa BITAG.

Noong una ayaw maniwala ng BITAG sa mga sinasabi ni Gilbert kaya sinubukan namin siya hanggang sa unti-unti kaming naniwala sa kanya.

Kaya’t on the spot sa harap ng computer, pinagawa namin s’ya ng nobela. Sa bilis ng kamay ni Gilbert, nakita ng BITAG na sanay na sanay siyang sumulat.

Isang nobela ang nagawa niya sa loob lamang ng limang minuto at kaya rin n’yang gawin ang pitong nobela sa loob ng isa at kalahating oras.

Kakaiba talaga ang talentong ipinamalas ni Gilbert sa BITAG pagdating sa paggawa ng mga nobelang malalaswa.

Subalit nang ikuwento na ni Gilbert ang kanyang buhay bilang isang manunulat sa pornograpiya ay hindi rin pala biro.

Dito napag-alaman ng BITAG ang underground na sistema na ginagawa ng malaswang tabloid para hindi mahuli. Kasama rin sa mga isiniwalat ni Gilbert ay kung paano ang paraan ng pagpapasahod sa mga manunulat ng malaswang tabloid.

Nakaramdam lang daw siya ng awa kay Alma kaya’t lumantad siya sa BITAG. Nangako si Gilbert sa BITAG na siya na mismo ang makikiusap sa sinasabing Mr. E ng malaswang diyaryo.

Abangan bukas ang kumpletong detalye ng pagkukumpisal ni Gilbert sa programang BITAG Extreme na mapapanood mula alas-9:00 hanggang alas-10:00 ng gabi sa IBC Chan-nel 13.

vuukle comment

ABANGAN

BINABAGABAG

BITAG

DITO

GILBERT

ISANG

KAKAIBA

KASAMA

KAYA

MR. E

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with