^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Saludo sa pedicab driver

-
MARAMI pa ring mabubuti ang kalooban sa panahon ngayon at hindi nagkakainteres sa hindi nila pag-aari sa kabila na sagad na sa kahirapan ang kanilang buhay. At kabilang sa mga may mabubuting kalooban si Jose Buenaventura, 35, pedicab driver ng Rosario, Cavite. Isinauli ni Buenaventura ang P104,000 na kanyang napulot noong nakaraang Biyernes, Agosto 4. Kung gugustuhin ni Buenaventura, maaari na niyang angkinin ang perang iyon na isa nang malaking kayamanan. Pero hindi iyon ang unang sumilid sa kanyang isipan nang makita ang bungkos ng tig-P100, P500 at P1,000 na nakasilid sa bag. Ang una niyang naisip ay kung paano maibibigay sa tunay na may-ari ang perang iyon. Naisip niya, maaaring gagamitin iyon sa mahalagang pangangailangan ng may-ari. Baka pambayad sa ospital kaya ganoon kalaki.

Natagpuan umano ni Buenaventura ang bag malapit sa isang basurahan, dakong alas-onse ng umaga sa Tramo St. Galing umano siya sa kanyang bahay at nananghalian nang mapansin ang isang plastic bag sa may basurahan. Nagkaroon siya ng hinala na hindi pangkaraniwang basura ang bag na iyon kaya nilapitan niya at dinampot.

Nang kanyang bulatlatin ang bag, nakita niya ang maraming pera. Nakadama siya ng kaba. Pero sa halip na pag-interesan, agad niyang dinala ang pera sa tanggapan ni Rosario Vice Mayor Jose Rozel Hernandez para matulungan siyang hanapin ang may-ari. Ipinagkatiwala niya ang pera kay Vice Mayor Hernandez.

Nagbalik si Buenaventura sa lugar na pinagkakitaan niya ng pera at doon ay nakita niya ang umiiyak na si Carolina Distor na naghahanap sa pera. Doon sinabi ni Buenaventura na siya ang nakapulot at ipinagkatiwala niya ito sa vice mayor. Umiyak sa kasiyahan si Distor nang malaman ang lahat. Ang pera pala ay pambayad nila sa lupa at bahay na kanilang kinuha. Nahulog umano ang bag na may pera habang nakasakay silang mag-asawa sa motorsiklo. Dahil sa katuwaan, pinagkalooban ni Distor ng P10,000 si Buenaventura.

Sagad na sa kahirapan ang buhay ngayon subalit mayroon pang mabubuti ang kalooban na kagaya ni Buenaventura. Maipagmamalaki siya. Laging sasambitin ang pangalan dahil sa ginawang kabutihan. Mas mabuti pa si Buenaventura kaysa sa mga kawatan sa gobyerno na walang kabusugan at pinaghihirap ang bansa. Sana ay marami pang Buenaventura ang maghari sa panahon ngayon.

BUENAVENTURA

CAROLINA DISTOR

DISTOR

JOSE BUENAVENTURA

NIYA

PERA

PERO

ROSARIO VICE MAYOR JOSE ROZEL HERNANDEZ

TRAMO ST. GALING

VICE MAYOR HERNANDEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with