^

PSN Opinyon

Mahalaga ang sex education

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
PATULOY ang pagtatalo tungkol sa sex education sa mga public high school. Gaya ng inaasahan ang mga relihiyoso sa pangunguna ng Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) ay kumontra sa panukala na umano’y naghihikayat sa mga kabataan na mag-premarital sex at gumamit ng condom at iba pang contraceptives.

Nilinaw naman ng mga opisyal ng DepEd na ang sex education ay naglalayon na ganap na maintindihan ng mga kabataan ang sekswalidad at para rin maiwasan ang unwanted pregnancy, sexually transmitted diseases at iba pang problema. Layunin din ng programa na ituro ang reproductive health at ang pinsala ng pagdami ng populasyon na pangunahing dahilan ng kahirapan.

Malakas ang impluwensiya ng simbahan ngunit dapat ding maging bukas ang mga mata ng mga relihiyoso na hindi makatarungan na ipagbawal ang sex education manapa’y dapat na rebyuhin ang tinatawag na "modules" para mapaalis ang maling pananaw tungkol sa sex. Dapat din nilang isipin na ang mga kabataan sa kasalukuyang henerasyon ay marami nang nalalaman tungkol sa sex kaya dapat na sila’y pangalagaan at subaybayan para hindi sila magkasala, kagaya ng pagkalulong sa pornographic materials. Dahil sa kakulangan ng kaalaman kaya marami ang nagsasagawa ng premarital sex , marami ang maagang nabubuntis na ang iba’y nagpapalaglag. Hindi alam ng mga babaing nagpapalaglag ang kanilang masamang gawain.

CATHOLIC BISHOP CONFERENCE OF THE PHILIPPINES

DAHIL

DAPAT

EDUCATION

GAYA

LAYUNIN

MALAKAS

NILINAW

SEX

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with