^

PSN Opinyon

Pagpupugay kay Rizal

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
KILALA si Zulkarnain bin Hassan sa Kuala Lumpur, Malaysia. Isa siyang mediaman. Buong pagmamalaki niyang sinabi na isinunod niya ang pangalan ng kanyang anak na panganay kay Dr. Jose Rizal. Maraming alam si Zulkarnain tungkol kay Rizal na tinaguriang ‘‘The Pride of the Malayan Race.’’ Hanga si Zulkarnain sa talino at tapang ni Rizal. Para sa kanya isang genius si Rizal.

Si Rizal ay isang doktor, arketekto, inhenyero, maestro, manunulat, linguistra at marami pang katangian ng isang henyo. Alam ni Zulkarnain na ang mga nobela ni Rizal na ‘‘Noli Me Tangere’’ at ‘‘El Filibusterismo’’ ang nagsilbing apoy para lumagablab ang damdaming paghihimagsik ng mga Pilipino sa mga Kastila.

Kabisado niya ang mga tauhan ng ‘‘Noli’’ at ‘‘Fili’’ maging ang kapanganakan ni Rizal sa Calamba, Laguna, ang pagpapatapon sa Dapitan, ang pagbaril sa Luneta, mga paglalakbay at pakikipagsapalaran ni Rizal sa iba’t ibang bansa at ang pakikipag-romansa ni Rizal sa mga babae.

Nakatutuwa na mas maraming alam si Zulkarnain tungkol kay Rizal kaysa ilang Pilipino. Sa paggunita sa Biyernes sa kamatayan ni Rizal bigyang pugay natin ang kanyang kadakilaan.

vuukle comment

ALAM

DR. JOSE RIZAL

EL FILIBUSTERISMO

KUALA LUMPUR

NOLI ME TANGERE

PILIPINO

PRIDE OF THE MALAYAN RACE

RIZAL

SI RIZAL

ZULKARNAIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with