^

PSN Opinyon

Maaga ang Pasko sa Bureau of Customs!

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -
HINDI na bago ang mga reklamong natatanggap ng BITAG hinggil sa mga ginagawang pangongotong ng ilang mga opisyales ng Bureau of Customs na naka- talaga sa kani-kanilang tanggapan.

Maraming beses na rin naming binatikos sa aming programang "BAHALA SINA BEN AT ERWIN, TULFO BROTHERS" sa UN Television Channel 37 ang ilang namumuno sa tanggapan ng Bureau of Customs.

Subalit talagang makapal ang mga mukha ng namamahala sa loob ng Customs, at patuloy pa din ang kanilang pamaskong pakimkim sa mga pobreng nais maglabas ng kanilang mga bagahe o "package".

Ngunit hindi basta-basta tumitigil o nanahimik ang aming grupo sa mga ganitong mga sumbong, dahil wala sa aming bokabolaryo ang magbingi-bingihan at magbulag-bulagan.

Kaniya-kaniyang estilo ng pangongotong sa mga package na pinadadala at bumabagsak sa mga postal offices at bago mailalabas ang naturang packages ay susuriin ito ng isang empleyado ng Customs upang malaman kung ano ang laman at magkano ang kabuuang tax na dapat bayaran para makuha ang pinadalang package.

Hindi lamang pagbubukas at pagsusuri ng mga package ang gawain ng mga loko-loko, nakukuha pang makipagtawaran sa mga kumukuha ng package upang mapabilis ang paglabas ng mga bagahe at pagkapal ng mga wallet ng kolokoy dahil walang resibong ibinibigay.

Akala siguro ng mga ito ay palalampasin ng BITAG ang mga sumbong na inilalapit sa amin, diyan kayo nagkakamali! Mukhang napapaaga ang inyong mga pasko.

Sa inyo mga taga-Bureau of Customs, patuloy namin kayong babanta- yan at iimbestigahan sa lahat ng inyong mga iligal na ginagawa.

Patuloy na nakatutok dito ang BITAG!
* * *
Hotline number (0918) 9346417 o tumawag sa mga numero 932-53-10 at 932-89-19. Makinig sa DZME 1530 Khz, Monday-Friday, 9:00-10:00 A.M. At panoorin ang programang "Bahala si Tulfo" Monday-Friday, 9:00-10:30 a.m. sa UNTV 37.

vuukle comment

BAHALA

BUREAU OF CUSTOMS

KANIYA

KHZ

MAKINIG

MARAMING

MONDAY-FRIDAY

TELEVISION CHANNEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with